Chapter 10: Claimed!

7.3K 155 33
                                    

Chapter 10: Claimed!

I stared at the unfamiliar ceiling for the longest time. Napaka-weird na magising na mag-isa lang dito sa apartment when I've lived the past three years with my dorm mates. Sanay ako sa may kumakalampag sa kusina, nagpapatugtog ng rock music at tunog ng videogames. I covered my eyes with my arms and tried to go back to sleep pero wala. Gising na gising ang diwa ko at naglalaro sa object of my dreaming and waking thoughts for the past week.

Aya.

I'm gonna meet her family later. Whether I'm ready or not, wala ng urungan. Shit, I think mas matindi pa yung feeling na'to kesa sa thesis defense ko. Lahat ng previous girlfriends ko ay wala akong inakyatan ng ligaw kasi sila halos ang nanligaw sa akin. Ang pinakamatagal yatang niligawan ko ay si Bettina nung 4th year highschool. Three days. Hang-out lang tapos nagka-aminan at yun, kami na. Partner ko siya sa Prom night at Grad Ball. Tapos dumating na ang summer at kinailangan kong mag-enroll sa Diliman, siya naman ay sa local college sa Laguna pumasok.  Hindi niya rin naman matagalan ang long distance relationship kaya nagpasya kaming dalawa na maghiwalay. July yun at six months lang ang tinagal namin.

Pagkatapos nun ay nakilala ko si Mel. Siya ang nanligaw sa akin. Bumilib ako sa pagiging prangka niya, ang lakas ng dating parang signal number four. Lahat halos ng mga freshman ng block namin nagkakandahaba ang leeg pag dumadaan siya at inggit na inggit sa hot kong girlfriend. I was like the whole world to her and I was sucked into hers.

Lahat yata ng kalokohan natutunan ko sa kanya. We were the embodiment of young wild and free. Natuto akong mag-cutting class para makipag-inuman sa Sarah's, magpa-tattoo, mamundok, at dumalo sa underground concerts. Sinubukan niya rin akong turuan mag-weed pero sadyang hindi ko trip ang mabangag.

Looking back, isa yun sa mga una naming pinag-awayan. Feeling niya kapag di ko siya sinasabayan sa mga trip niya ay meron na akong ibang ginagawa. My mother never liked her, especially nung nahuli niya kami sa dorm na magkasama at well, may ginagawang alam mo na. Nagalit rin si Papa ng makita yung GWA ko for the first sem kaya napaisip din ako kung tama pa ba yung ginagawa ko o nagpapadala na lang ako kay Mel. That's when I decided na siguro kailangan ko ngang mag-shift para dumistansiya. Mahal ko si Mel nung panahong yon pero nararamdaman kong pareho kaming mag-se-self destruct kapag lagi kaming magkasama. For a whole year and a half, na-gui-guilty ako sa desisyon kong mag-shift and I tried to make it up by being understanding kapag nagseselos siya. I have always been a one-woman-man pero nung huli, feeling ko nakaka-gago na yung kawalan niya ng tiwala sa akin.

 The total opposite of Aya.

Kung ano ang pagka-wild ni Mel, siya namang pagka-inosente ni Aya to the point na minsan hindi ko alam kung sumosobra na ba ako o sadyang naive lang talaga siya. The first time I saw her was like a breath of fresh air. Parang ang sarap niyang alagaan. Yung tipo ng tao na gagawin mo ang lahat para mapasaya at mapanatili yung ngiti niya. She's a mixture of sugar and spice; sweet pero may tinatagong kakulitan. Inosente pero malalim mag-isip. Pag sumimangot si Aya, parang nadudurog yung puso ko. Oo, ang corny di ba? Ako na ang cheesy, corny, baduy at kung anu-ano pa, pero ganun yung feeling ko tuwing makikita ko siya.

Seriously, ang current highlight ng araw ko ay si Aya. Texting her first thing in the morning and talking to her 'til she falls asleep at night, walking her to class or to her car, having lunch with her and her friends, hanging out, studying for exams together. Kahit hindi pa niya ko sinasagot alam kong unti-unti na akong napapalapit sa kanya. Niloloko na nga ako ng org mates ko sa UPM na baka daw na-engkanto ako kay Aya dahil hindi ako naging ganito ka-attentive or clingy sa ex ko. 

At hindi ko pa siya girlfriend sa lagay na yan.

Ngayon ko lang rin napatunayan kung gaano ako kaseloso. Buti na lang sadyang introvert si Aya at di mahilig makipag-usap sa di kakilala kasi kung yung mga tumitingin pa lang sa kanya gusto ko ng dukutin ang mata, paano kaya kapag may gusto pang pumorma? Baka ibigti ko sila sa Quezon Hall pagkatapos ko silang kaladkarin sa motor ko around the Acad Oval at full speed.

It Started in the Library (Completed and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon