Chapter 16: Lessons In Love

5.1K 105 24
                                    

Chapter 16: Lessons In Love

"Good morning Goddess," I bent down to kiss Aya's nose pero nagulat ako nang tumingkayad siya at hinalikan ako sa labi. Shit... gusto ko pa.

"Good morning Prince ko," she smiled up at me. I bent down to kiss her back but she held up her hand and covered my mouth. Anak ng...

"Mamaya na," she whispered conspiratorially as her gaze darted around to her brothers who are busy putting all of our stuff on the truckbeds. It's 3AM at naghahanda na kami para sa bakasyon sa Norte courtesy of Kuya Alphonse. Grabe, sobrang excited naming lahat and a month ago pa lang nakapaghanda na ang girls ng dadalhin.

"Ang daya mo naman eh," I whined at her, putting on my best puppy-dog-look. Napahagikhik siya.

" 'Kaw lakas mo mag-pa-cute ha," she stuck her tongue out at me.

" 'Kaw lakas mambitin," I grumbled and she laughed. I caught her in a bear hug, "Mamaya lagot ka sa'kin. I'll extract revenge."

"Hala Prince grabe ka, ji-no-joke lang naman kita eh," she smiled playfully, "Happy second monthsary."

"Happy second monthsary, Goddess," I whispered back to her. "Mamaya celebrate tayo ha?" She nodded her head eagerly.

"Excited na ko," she rubbed her nose against my chest, "Our first trip together."

--------------------------

"Bro, tignan mo yung dalawang yun may sariling mundo," Siniko ko si Kuya Aidan na nasa tabi ko at nag-aayos ng mga crate ng gamit na dadalhin namin sa five-day-trip across the north.

"Hn. Kawawang Prince. Tignan mo yung mukha ni Alfredo, mukhang uupakan na siya," Nakangisi si Kuya Aidan.

"Kuya Alfredo naman kasi, akala mo tatay ni Diosa. Si Kuya Alphonse nga okay lang oh. Saka si Ate Lena, kinikilig pa," Iniabot ko sa kanya ang portable stove, "Tingin mo dun kay Prince, makakatagal pa kaya yun?"

"Gago," binatukan ako ni Kuya Aidan, "pero may point ka, I don't think kayang magpigil ni Prince ng tatlong taon. Sa sobrang lambing ni Aya, syet bilib na ako sa effort niya ngayon pa lang."

"One year kaya?"

"Six months," Anak ng, grabe naman prediction nitong si Kuya. Six months lang? Parang ayoko pa yatang isipin na ikakasal 'tong baby girl namin.

"Ano bang running bet natin?" tanong ko sa kanya.

Natawa siya, "Si Kuya Alphonse ayaw sumali, pero si Ate Lena sabi two years. Si Alfredo pinaninindigan yung three years niya. Si Ali, kahit isang taon man lang daw."

"Goodluck kay Prince. Pero sabagay, mawawala na ang mga umiiyak na girlfriends ng Zabala brothers dahil kay Diosa." Nag-high-five kami ni Aidan.

"Ano nga ulit yung last count ng mga nagselos na girlfriend kay Diosa?"

"Si Kuya Alphonse tatlo, kasi yung pang-apat na girlfriend niya si Ate Lena na. Si Albert, dalawa kasi nag-migrate agad siya sa UK at hindi nakilala ng iba niyang girlfriends si Diosa."

"Oo nga eh, yung wife material natin dapat number one rule, bawal magselos kay baby girl. Si Alejandro anim na girlfriends, yung isa pa inaway si Diosa kaya nagwala si Ali. Sa 'yo tatlo. Yung sa akin anim din," I grinned at the memory. Hindi ko alam bakit sobrang insecure ng girls kay Diosa. Napakabait naman nito at hindi nakikialam kapag may girlfriend kami. Sadyang parang magnet lang talaga siya ng selosang mga girlfriend. Siguro kasi nung nagsabog ng sweetness ang Diyos sa daigdig ay sinalo niya lahat kaya naman na-mi-misinterpret lagi. Nakakabwisit ang mga babaeng gumagawa ng malisya.

It Started in the Library (Completed and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon