Chapter 43: I Don't Wanna Miss A Thing

3.5K 105 72
                                    

Chapter 43: I Don't Wanna Miss A Thing

"Andito na tayo sambakol pa rin mukha mo," Jem muttered but I remained quiet habang ibinababa ko ang mga gamit ko from the compartment. Medyo shocked pa rin ako sa naging treatment ko kay Alfredo pero ayoko naman kasing magkunwari na okay lang ako.

'Langya, ang landi naman kasi niya masyado. Hindi ko alam kung bakit nag-init ang ulo ko nang dumating si Jem at Lily sa cafe. Parang gusto kong maghuramentado nang akbayan niya yung dalawa. Ano bang nagyayari sa'yo Trixie? Para binigyan ka lang niya ng dress tapos nilibre ka sa spa, binibigyan mo na ng kulay? Siguro ganun siya sa lahat ng girls niya. He seems quite generous dahil lahat ng winnings ni Jem at Prince, win-nire transfer nila lahat ni Kuya Alphonse kahit na dapat may percentage siya doon for being the car owner. Pero wala siyang kinuha kahit isang sentimo.

Possessive-much, Trixie?

Well kahit sino naman sigurong babae hindi matutuwa kung marami sila. Ayokong pumatol sa sawsawan ng bayan. Kung siguro magbabago siya at gawin niya akong only one eh baka may pag-asa pa siya. Hindi naman ako masamang tao na hindi marunong magpatawad.

Kaso nanliligaw ba siya?

"Tama na nga, Trixie..." I murmured in defeat as I lifted the heavy crates out of the car's trunk.

Hindi na siya nagpumilit nung nagalit ako pero nagulat ako nang sinundan ako ni Jem sakay kay Overlord. Sabi niya sinabi daw ni Alfredo na sundan ako kasi baka kung mapaano ako sa daan.

Ako, mapapaano sa daan? Baliw ba siya? Secret agent ako at baka ako pa ang dapat katakutan nang haharang sa akin sa daan. Pero na-touch din naman ako kahit papaano sa concern niya. Kaso ayoko talaga siyang i-entertain pa. Tama na ang ilang linggong kabaliwan dahil tiyak makakalimutan rin ako agad nun. Siguro sila na ni Lily ang magkasama kagabi.

Aray naman, bakit parang ang sakit? Hindi naman ako girlfriend pero parang masakit isipin yung iba ang kasama ng taong gusto mo. Homaigali--- Trixie! Erase! Erase! Hindi ka pwedeng magkagusto kay Alfredo!  

I need to get busy. Kailangang mawala siya sa isip ko at mas maraming importanteng bagay ang pagtuunan ko ng pansin. Malapit nang bumalik si Jaguar at tiyak mapupuno na naman ang schedule namin. Alfredo is just an unwelcome distraction. Tama, I need to focus.

Nang mailagay ko na lahat ng gamit ko sa garahe ay bumalik ako sa sasakyan para kunin ang bag ko. I pulled my bag which got squashed under all of Jem's stuff at nabuksan ang zipper nito. Naglaglagan ang toiletries ko at ang damit na basta ko na lang isinuksok kagabi. Natigilan ako when I touched the soft cloth na nagkalukot-lukot.

Lukot, parang yung puso ko.

'Perfect.'

I could feel my heart break when I remembered how his voice sounded when he uttered that word.

Heart, stop being unfair.

---------------------

"Aidan sigurado ka na gusto mo ko?" Ang cute talaga ni babycake. Naka-kunot-noo siya tapos naka-pout na parang di pa rin naniniwala sa akin.

"Oo nga. Wala nang bawian ah," I hugged her tighter. "Wag kang madaya. Mamaya papaasahin mo lang yung puso ko."

"Labo." She deadpanned. Hala ka, baka mamaya mag-back-out pa 'to.

"Babycaaake!" I pouted at her and she bit her lip.

"Bakit?"

"Akin ka na di ba? Pumayag ka na kanina eh. Sabi mo pa 'And you are mine'."

It Started in the Library (Completed and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon