Chapter 24: Kings VS. Kings

503K 7.4K 1.1K
                                    

Dedicated kay eden_momo. Pinsan kong eng eng. Joke lang couz! Haha. Siya ang number 1 na taga-kulit saking magUD. Thank you! Love yah! :*

Pic ng Kings of Hartford VS. Kings of Walden sa Multimedia. (Ang gagwapo noh? *___*) HAHA!

Chapter 24: Kings Vs. Kings

Fretzie's POV

Pagkatapos naming magchat ni Miko agad kong tinext ang aking dear queens. Payag naman sila tutal Sunday naman bukas tapos nagpost nadin ako sa website ng Walden High, isa to sa mga trabaho naming bilang Queens ng Walden High. Kami kasi yung parang 'student council' ng school namin. Kaming apat nila Ashley pati sila Miko, kami yung mga Campus Royalties this school year. Bale every year may tumatakbong campus royalty, dapat incoming senior ka na. Sa isang partido dapat consist kayo ng 4-3 members tsaka pagbobotohan kung sinong partido ang mananalo. At luckily kaming tatlo nila Lexi ang nanalo. Since tatlo lang kami, may isang slot pa. Pinagbotohan yan ng mga campus royalties kasama ng mga teacher's kung pwede naming isali si Monique. Maganda ang records niya at wala naman silang nakitang reason para hindi siya payagan makasama sa campus royalties kaya nakasali siya. =)

Nagkita kita kami sa harap ng gate ng Hartford. Napagusapan naming magsuot ng Anything na color pink eto kasi ang color ng school namin. Si Ashley naka pink na off shoulder na blouse then jeans. Si Lexi nakawhite na Tshirt tapos black na jeans. Asan yung color pink kamo? Since ayaw niya sa color pink at di daw uso ang kulay na yun sa mga damit niya. Nagsuot na lang siya ng color pink na baller tas may nakasulat na 'Tounge-in-a-moo' Yep! 'Tounge-in-a-moo' Adik talaga tong babaeng to! =___= Naloko ako niyan dati kasi hindi ko talaga magets ang ibig sabihin. Paulit ulit ko pang sinasabi bago ko marealize na nagmumura na pala ako. Wuuuyyyy! Babasahin niya ulit! XD Anyways, Si Monique nakafit na white shirt tapos mini skirt na color pink. Ako? Wala akong suot! Charot! Pink lang na blouse tapos nakablack mini skirt din pero hindi ganun ka iksi nung kay monique.

Pagpasok namin sa gym nagulat kami sa dami ng students. Bongga! Promise ang dami talaga. Nakakagulat kasi yung ibang students nageffort pang magdala ng mga pompoms, cartolina, etc. Ung iba nakasulat 'Go King Scott! Your so Hot!' , 'King Brian!!! You're so cool!! ♥♥♥' , 'King Gian! I ♥ you!!' , at ang pinaka korny sa lahat ng nabasa ko ay... 'KING ETHAN WILL YOU MARRY ME?! ♥' Ugh! Ano ba yan =____= Tss! Ibang klase. Don't tell me kasali silang apat sa varsity team? Wag naman sana.

Umupo kami dun malapit sa mga varsities ng Walden High. Ang apat sa kanila kasama sa Kings of Walden High. Siyempre kasali dun ang pinsan kong eng eng na si Miko. Next is Cyrus na cassanova ng walden high, hindi ko yan masyadong nilalapitan, mahirap na and mind you! Ex yan ni Ashley. Bitter pa siya diyan eh, loka loka kasi diyan pa nainlab. -__- Next si Kai, pinaka tahimik at the same time pinakahabulin ng girls sa kanilang apat, si Miko nga gustong buhusan ng asido ang mukha ni Kai, insecure much. LOL. Joke lang naman daw. HAHA! Lastly, si Ryan, childhood friend yan ni Lexi. Although naging mas close na si Lexi samin close pa din sila, astig yan dalawa mag-asaran BRUTAL.

"Ate!" -Miko

"Psh. Don't you dare call me 'ate' again. FYI! MAGKA-AGE LANG TAYO"

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon