Chapter 68: Christmas Party

312K 6.6K 3.5K
                                    

Chapter 68: Christmas Party

[Ashley's POV]

"Seryoso kang isasama mo ako?" Tanong sakin ni Cyrus. Nasa kotse na kami ngayon papunta sa bahay ng mga Marasigan. Gusto kasi ni Lola D na magchristmas party kami bago magpasko. Ngayon na uuwi yung parents namin galing bakasyon at ang last day na ni Fretzie sa bahay nila Ethan. Parang kelan lang siya tong namomroblema kay Beatrice tapos ngayon ako naman. =_____=

"Oo naman. Kailangan kasama ko yung boyfriend ko!" Tapos tumawa ako ng malakas.

"Ang sarap pakinggan pero ang sakit pag naiisip ko ang katotohanan."

"Eh bat ang drama mo?" Tanong ko. Nakokonsensya man ako, wala rin akong magawa. Siya rin may gusto nito.

"Eh bat ang ganda mo?" Tanong niya pabalik tsaka pinisil yung pisngi ko. Walang duda na naging cassanova siya. Marami-rami ring napaglaruang babae to at isa na ako dun. =___=

*Marasigan's Residence*

Nadatnan namin silang lahat sa living room na nagtatawanan, kanya-kanyang pwesto, kanya-kanyang partner. Lahat meaning nandun ang buong Kings of Hartford Academy at Queens ng Walden High, ako na lang kulang.

Tinignan ko si Cyrus, feeling ko kasi mao-out of place siya dito. He smiled, assuring me na ayos lang sakanya. Iniisip ko pa lang na makakasama ko si Gian sa iisang kwarto parang mababaliw na ko tapos nandito pa si Cyrus. Gusto ko na talagang umuwi!

"Huy okay lang ba talaga?" Bulong ko sakanya. Nagwoworry talaga ako! Baka mamaya awayin lang siya dito nung mga boys.

Ginulo niya yung buhok ko tsaka ngumiti ulit. Ano ba? Nagpapagwapo ba to sakin?

"Okay lang. Ayos nga e. Lights, camera, action na! Hahaha!" Hinawakan niya yung kamay ko tsaka hinila ako papunta kila Fretzie. Nilagay niya yung mga regalo namin sa gilid ng hindi binibitawan yung kamay ko.

"Ashley naman! Bakit ka nagdala ng outsider? Badtrip naman eh!" Sigaw ni Scott sakin, Outsider? Omygash! Eto na nga ba sinasabi ko eh... Nagiguilty tuloy ako kay Cyrus! >__<

"Hoy babes. Wag mo ngang inaaway si Daldalita. Si Gian nga nagdala ng SNATCHER eh!" Hirit ni Lexi. Lahat sila nagtatawanan except kay Beatrice at Gian. Babaeng to! Hindi mapigilan ang bunganga. Ayoko nga ng eksena eh. Sa pagkakaalam ko last day na rin ata ni Beatrice dito sa bahay na to, oh well wala akong pakialam! Hahaha!

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon