Chapter 34 (part 2): The most awaited PARTY.

447K 7K 1.8K
  • Dedicated kay CLASHERS ^__^
                                    

Dedicated sa lahat ng ‘CLASHERS’ or yung mga nagbabasa ng story na to. Haha. Wala lang trip ko lang tawagin kayong Clashers. Pasensya na po sa kabaliwan ng inyong author. XD HAHA! Ewan ko ba, feeling ko kasi close na ako sa inyo. Feeler na si Author. Pagbigyan na. BASTA SALAMAT SA INYONG LAHAT! Pati rin sa matyagang pag-aantay! Kundi dahil sa inyo, walang masusulat na istoryang ganito. Kaya thank you all for inspiring me and giving me a chance to write and be appreciated. :*

Fretzie’s POV

“Ms. Aguilar magsstart na yung program in 15 mins.” Sabi nung isang teacher namin tapos umalis na. Alam ko si Maam Jen yun kahit naka-mask.

“Guys, I have to go na pala. Kinakabahan akooo >_­__<” Sabi ko kila Miko. Kasama na kasi namin sila sa table. Kumpleto kami except kay Lexi. ALAM NYO NA. Yep, nakita naming lahat ng nangyari sakanila ni Scott. I can’t believe na ganun yung mga gagawin ni Lexi. Haay, the things that can you do for love. :))

“Don’t be. Kasama mo naman si Kuya eh” Sabi ni Monique. ACTUALLY! Isa siya sa dahilan kung bakit ako kinakabahan.

“Yeah. As if!” Sabi ko na nagpatawa kay Monique. Ewan ko ba dito sa babaeng to! Feeling cupid to samin ni Ethan, akala niya di ko nahahalata? Bakit ba lahat sila sinasabing bagay kami? Maski si Miko na sobrang higpit sa mga manliligaw ko eh binebenta ako kay Ethan! Argh! >___<

Naglakad na ko papunta sa may harapan. Umupo ako dun sa nakalagay na upuan for emcess. Walang naka upo sa tabi ko. Okayyy. Asan yung partner ko?! >___<

Tumingin ako sa table ng Campus Royalties ng Hartford. Napangiti ako nang makitang wala yatang mga palaka ngayon? Sana hindi na pumunta sila Anya. HAHA. Ang nandun lang ay sila Gian naka earphones, si Bryan naman na nagtetext kaya tinignan ko si Monique na nakangiti habang nagtetext din. Si Scott at Lexi na sobrang sweet as in hinahampas ni Lexi si Scott na tawa ng tawa. Well, ganyan ata talaga maglambingan tong love birds na to. I’m so happy for them. Akalain mo yun! Inunahan pa kami Lexi! You can’t really tell kung kelan darating yung time na magmamahal ka. Magugulat ka na lang na… nahulog ka na pala. Ang love ay walang pinipiling tao, lahat tayo ay may pribilehiyong magmahal at mahalin din.

AHHHH! NASAN KA NA BA ETHAAAAN?!! >____< Bilisan mo naman! Wala akong kasama dito sa harap oh! Huhu. TT___TT Dapat pala hinayaan ko na lang si Anya maging emcee para siya makaramdam ng nararamdaman ko ngayon eh. Wag niyong sabihin na di ako sisiputin ng lalaking yon? Nagpaganda pa ako para lang---para lang sa ano, sa…MGA TAO DITO! TAMA! Tapos di siya pupunta?! Kainis. Nababanas ako.

Bumukas bigla yung malaking ilaw sa may stage. Halos masilaw ako, lahat ng atensyon ay nasa akin kaya tumayo na ako. It means kasi na magsstart na yung program. Seryoso talaga? Kaya niya akong pabayaan mag-isa dito?! Paano niya nakayanan na di ako siputin? Na ako nandito sa harapan, tinitignan ng napakalaking bilang ng mga tao inaantay ang susunod kong gagawin. Nakita ko si Monique para bang sinasabing di niya din alam kung bakit wala pa si Ethan. Samin nga pala sumabay tong si Monique. Nakita ko yung mga worried expression nila Lexi, pati rin sila Miko. Napatingin ako sa kabilang table, agad akong napatingin sa tatlong babaeng tinatawanan ako. Yung tawa nila, nakakapanliit na para bang mukha akong kawawa dito. Parang gusto kong umiyak. Ayoko ng ganitong feeling na parang ako lang mag-isa. Nakita kong napa-smirk si Anya. Siguro iniisip niya na walang pakielam sakin si Ethan. Sumikip yung dibdib ko. Oo nga naman, sino ba ako kay Ethan? I’m just nothing for him. Normal ba tong nararamdaman ko? I should also feel the same, dapat wala rin akong pakialam sa kanya pero bakit… bakit ganito? Parang ang sakit kahit sabihin pa na simpleng bagay lang to?

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon