Chapter 62: Assurance

323K 6.3K 1.4K
                                    

Chapter 62: Assurance

Fretzie's POV

"Kumain ka na ba?" Tanong sakin ni Lola D, pero dahil nasa state of shock ako ngayon ay tatlong tango lang yung naisagot ko sakanya.

"Kung gayon, puntahan mo na yung apo ko sa kwarto niya at ikaw..." Tumingin si Lola D kay Bea, "May balak kang matulog dito sa baba?"

Ngumiti siya at umiling.

"Hindi po. Inaantay ko pong bumaba si Ethan, magmomovie marathon daw po kami ngayon eh" Sabay tingin sakin. Alam kong may ibig siyang iparating sa titig na yun. Hindi ba dapat kami ni Yats ang manunuod kanina?

"Movie marathon? Matulog ka na lang kesa mag aksaya ng kuryente sa pamamahay na to. Nakakahiya naman dun sa may ari. Ako nga nahihiya eh. Kamaganak na ako sa lagay na to ah..." Pabirong sabi ni Lola D pero halata mong nangaasar rin eh. Hahaha!!! Sabagay nga naman may point si Lola. Siya kasi yung bantay nila Ethan since nasa America yung parents nila at tumutulong sa Mommy ni Brent sa kanilang business. Diretso Europe sila ngayon para sa vacation ng mga parents namin. Oh diba, ng dahil sa naisip na plano ni Lexi mageeffort sila ng ganyan. XD

Saglit na kumunot yung noo ni Bea pero agad din siyang ngumiti.

"Ay sige po Lola. Pasensya na po. Matutulog na ho ako, good night... Fretzie" O.O Kinikilabutan talaga ako kapag binabanggit niya yung pangalan ko. Err....

"G-good night!" Sabi ko. Ngumisi lang siya tapos umakyat na at pumasok sa guest room.

"Lola ang hard mo po." Sabi ko kay Lola D pagkaalis ni Bea.

"Mahilig kasi ako sa hard--ay este, manghard pala. Ano ba yan, haha!"

Dapat ko na bang ilagay sa characteristics ni Lola D ang pagiging green? Hahaha!

"Nay Dyosa, si ma'am po tumatawag." Patay! Tumatawag na yung mama nila Monique, wala pa sila Ashley!

"Lola D pag tinanong po sila Ashley at Lexi, sabihin niyo po nandito na ah." Turuan ba daw magsinungaling ang matanda. XD

"Okeh okeh, akong bahala. Puntahan mo na yung apo ko sa taas." Nagngitian kaming dalawa ni Lola tapos umakyat na ako papunta sa room ni Monique.

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon