Chapter 55: Big Deal?

389K 6.4K 1.6K
                                    

I dedicate this chapter to Pinkstellar. Thank you so much for all the efforts. I SARANG YOU! <3 XD

Chapter 55: Big Deal?

Ashley’s POV

Napatingin kaming lahat sa mga parating. Agad kaming napatingin sa kamay ni Ethan at Fretzie.

“Tss” Sabi ni Ethan, halatang naiilang siya pero hindi niya mabitawan yung hawak niya sa kamay ni Fretzie. Oha! Ang haba ng hair lola mo!

“So… Kayo na?” Tanong ni Lexi sa dalawa. Nagkatinginan sila saglit tapos nginitian kami ni Fretzie.

“YAN ANG SINASABI KO SAYO PARDS!” Sabi ni Scott tapos inakbayan si Ethan. “CONGRATS!”

“Thanks. Pwede mo nang alisin yang kamay mo sa balikat ko”

=____=

[Sa isang Bar]

“Okay, manlilibre daw si Ethan!” Sigaw ni Bryan pagka-upo na pagka-upo namin.

“Utot mo. Bakit hindi ikaw?”

“Tss. Mga pulubi, OH.” Nagulat kami nung naglapag ng pera si Gian sa lamesa.

ANG YABANG NG SUNGIT NA TO! EH DI SIYA NA MAYAMAN! >____<

Nagumpisa na silang mag-order ng inumin at chibog. Geez. I’m not in the mood.

“Daldalita, walang iinom satin ah!” Sabi ni Lexi sa akin.

“Santos, wag mo nga kong madamay-damay diyan. Kung hindi ka pinapainom ni Scott, magtiis ka. Hahahahaha! The perks of being single!” Tapos kumuha ako ng isang drink. Nginitian ko muna siya ng nakakaasar before I took a sip. Mainggit ka! HAHAHAHA!

Maya-maya nawala yung ngiti sa mukha ko. Napatingin ako sa harapan ko. Si Bryan nilalaro yung kamay ni Monique habang walang tigil sa pagpipick-up line. Ewan ko ba, kahit ubod ng corny ng dalawang to, I really find them very sweet. Hindi sila nahihiyang ipakita kung gaano sila ka-cheezy sa isa’t-isa.

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon