Special Chapter: Summer Outing

334K 6.8K 1.9K
                                    

It's been 2 weeks after their graduation. The queens have planned a summer vacation with their boyfriends in Tagaytay. Doon sila magiistay sa Resort nila Monique and Ethan for 3 days. Gusto nilang balikan yung lugar kung saan sila unang nagsama-sama. Kung saan, nalasing si Lexi at sinabihan si Scott ng 'Make love to me'. Kung saan officially nagkacrush si Ashley kay Gian knowing na mawawala din ito but obviously hindi naman. Kung saan nalaman ni Monique na ginamit lang ni Bryan si Lucy to forget her at sinabing gagawin niya lahat para kalimutan si Bryan whichs also fails. Lastly, kung saan navideohan ni Ethan si Fretzie habang sumasayaw na naging dahilan para magsama-sama silang lahat sa loob ng isang araw. Kapag naaalala mo pa ang lahat ng to ibig sabihin isang kang ALAMAT. Hahaha! Joke lang. Ibig sabihin you read every single chapter of this story with your heart. Naks! I thank you for that. *smile emoticon* Moving on, ang plano is magkikita kita sila sa bahay nila Monique at sabay sabay silang pupunta ng Tagaytay. 

It's 5o'clock in the morning at ang usapan 6 aalis na sila. Bilang magiting na sabik na sabik sa lakad na ito, nakarating agad si Fretzie sa bahay nila. Siya pa lang ang nakaready, actually.

"Kuya, asan na po sila Yats?" Tanong nito sa driver nila Ethan. At kapag sinabi niyang YATS, alam na ni Manong driver kung sino iyon.

"Nasa loob po, nagaayos pa yata ng gamit." Paliwanag nito.

Masayang nagpasalamat si Fretzie at iniwan ang bagahe niya kay Manong at dumiretso sa loob.

"Kuya kasi yung white and gold nga!" Sigaw ni Monique.

"Hindi nga sabi. Yung blue at black!" Ganti ring sigaw ni Ethan.

Takang taka si Fretzie sa kanyang nadatnan. Yung totoo? Ano yung pinagaawayan nila?

"Good morning?" Nagaalangang bati ni Fretzie. 

Agad na lumapit sakanya si Monique para yumakap. "Kausapin mo nga si Kuya."

"Teka, ano ba pinagtatalunan niyo?" Tanong ni Fretzie.

"Yung kulay ng dress na isusuot ko." Sagot ni Monique sabay pout kay Fretzie.

"Yats naman----" Magsasalita na sana si Fretzie ng putulin siya ni Ethan.

"Alisin mo nga yang shades mo. Hindi pa nga sumisikat yung araw. Ano ka bulag?" Tanong sakanya nito. Napabuga ng hangin si Fretzie tsaka dahan dahang inalis yung shades niya.

"Monthly period mo ba ngayon?" Tanong ni Fretzie.

Nakakunot yung noo ni Ethan ng tignan niya ulit si Fretzie sabay...

"HAHAHAHAHAHAHA!" Tumawa ng malakas si Ethan. 

"Ano? Tapos ngayon tatawa-tawa ka? Pinitikin ko yang tonsils mo e." Sabi ni Fretzie sabay balik ng shades niya.

"Bakit ganyan naman yung mata mo?" Medyo hinihingal pang tanong ni Ethan dahil sa kakatawa.

"Hindi pa ko natutulog!" Sigaw niya.

"Para kang adik. Excited ka nanaman makasama ako noh? Halika nga dito." Sumunod naman si Fretzie at lumapit kay Ethan.

Unti-unting nilalapit ni Ethan yung mukha niya sa mukha ni Fretzie. Pasimple namang vinivideohan ni Monique ang moment dalawa.

Hinawakan ni Ethan yung magkabilang pisngi ni Fretzie sabay sa pagdikit ng ilong nilang dalawa. Hanggang sa 

...hinablot ni Ethan yung shades ni Fretzie at tumakbo palabas. 

"ANO BA YATS! HINDI KA NANAMAN NATURUKAAAN!" Sigaw ni Fretzie sa pagkabigla. Natawa na lang si Monique sa kalokohan ng kuya niya.

"Suotin mo yung white and gold." Utos ni Fretzie tsaka hinabol si Ethan sa labas.

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon