Chapter 18: It hurts

476K 8.5K 727
                                    

 Si Monique sa ending nung chapter na to (Multimedia)

------------------------------>

Monique’s POV

 

Miss nyo POV ko? ^____^ haha! Ako kasi namiss ko kayo eh. Tsarots! =P Lumabas muna ako ng Vibrant para magpahangin medyo nahihilo na rin kasi ako. Napadami inom namin lalo na si Lexi. Pagnalalasing pa naman yun, Nakooooo! >___< Scary! Kaya nga umalis kaming tatlo diba? Ganun yun pag lasing laging mainit yung ulo pero kaya niya naman sarili niya, yun pa!

“Nasa tagaytay *hik* ako” Sabi ng isang pamilyar na boses.

“T*ngina! Hindi ako lashing” Napatingin naman ako sa pinanggagalingan ng boses. Hindi nga ako nagkamali, Si Bryan... May kausap sa cellphone. Tsk! Mukhang lasing na tong mokong na to ah! T-Teka! Akala ko hindi sila pumunta? Kelan pa sila dumating dito? >0<

“P*nyeta lucy! Wala ako sa mood para *hik* sermonan mo! Hindi kita nanay!” Ahhh! Si malanding Lucy pala kausap niya. Oooops! Mukhang nagaaway sila? HAHAHA! Buti nga! XD

“Hindi ako nambabae! Kasama ko sila Ethan”

“Ewan ko sayo! Ang sakit mo sa ulo!” Binabaan niya si Lucy. Nice one! Hehehe. Ang b*tch ko ba? Okay lang yan! Eh mas b*tch yang babaeng yan eh. Yaan nyo na ko, BITTER eh! Masama? >___< Halaaaaa teka ano nang nangyayari? Asan na si Bryan? Pagsilip ko wala na siya sa pwesto niya. Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko,

“Ako ba hinahanap mo? =____=”

“H-Ha? K-Kapal mo rin ah! Hinahanap ko sila ano...SILA FRETZIE! Tama!”

“Ganun ba...” Halos nakapikit na siya, hirap na hirap idilat yung mga mata niya. Lasing na nga to! “Nakita kong *hik* kasama ni Ethan...pupunta yata sa kwarto ni Fretzie”

O_________O

HALAAAAAAAAAA!!!!

Anong gagawin nila dun?

<(>0<)>!!!!

Hindeeeeeee!! >_____<

“Alam ko yang iniisip mo *hik* may kukunin lang daw, ano ka ba”

AAAAHHHHHHHH......

(_ _”)

Anubayan Monique! Mga naiiisip mo! >.<

“Ah ganun ba, sige pasok na ko” Papasok na ko sa pinto ng hilahin ni Bryan ang kamay ko. Dahilan yon para magkalipit kami ng ganito. Yung onti na lang maghahalikan na? Alam kong gets mo na yun...

Naaamoy ko yung alak sa hininga niya pero mas nararamdaman ko yung bilis ng tibok ng puso ko.

“Monique sorry”

“Bryan, Lasing ka lang” Lumayo na ko sakanya pero niyakap niya ako ng mahigpit. Mas lalong bumilis yung tibok ng puso na parang anumang oras ay sasabog na.

“Monique I love you..” Parang sumabog na ng tuluyan yung puso ko. Asan na? Bat parang nawala >___< Aish! Panira ng moment noh? XD

“May girlfriend ka na” Sabi ko pero lalong humigpit yung yakap niya sakin.

“Si Lucy? Tss. Hindi ko naman *hik* mahal yun” ANO DAW?????

“T*nge! Lasing ka nga... Bitaw na” Malumanay kong sabi.

“Totoo Monique! Ikaw lang mahal ko...Ikaw lang.” Yung kalmadong monique nawala yata. Uminit ang ulo ko. Bigla ko na lang siyang sinampal na sa sobrang lakas, muntik pa siyang ma-out of balance.

“Eh g*go ka pala eh! Bat mo siya niligawan?”

“Masyado akong nasaktan sayo!”

“Ang gulo mo rin! Sasagutin na sana kita, ready na ko eh tas mababalitaan kong may girlfriend ka na! At ang malupet KAY LUCY PA! Tapos ngayon sasabihin mong ako lang mahal mo? P*nyeta Bryan!”

“Akala ko kasi kapag naging kami ni Lucy makakalimutan kita! Akala ko---”

*PAAAAAK*

Sinampal ko siya ulit.

“Grabe ka! Nagawa mong manggamit ng ibang tao! Nagiisip ka ba? Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan? Hindi lang ikaw ang nasasaktan! Si Lucy? Sa tingin mo pag nalaman niya to hindi siya masasaktan? Ako? Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan? Nasasaktan din ako dahil MAHAL KITA g*go ka!” Tila naguunahang nagpapatakan yung mga luha ko. Si Bryan nakayuko lang. Ayoko sa lahat yung ganito eh! Masyadong madrama! Asar!

“Makikipag-break na ako kay lucy” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

“Eh di makipagbreak ka, isa lang ang gusto kong malaman mo....” Napatingin siya sakin at ikinagulat kong makitang umiiyak siya. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita...

“Gagawin ko ang lahat para pigilan tong nararamdaman ko sayo.”



*************************************************

BOOM! Suspended yung klase sa la salle dasma wohoooooo! ^0^ Ayan, kaya may UD ako. 2 chaps! *clap clap* Eh ang drama naman ng chapter na to. Hehehe. Si Monique kase noh? Nakakaenjoy magsulat ng stories lalo na kung alam mong madaming nagbabasa tsaka maraming nageenjoy magbasa nito. At pano ko nalalalaman kung nagugustuhan nyo? Sa pamamagitan ng... VOTES and COMMENTS! Haha! Halaaa anong gagawin nila Ethan at Fretzie? XD Abangan next chap! And also, i’ll be dedicating next chapters sa mga masisipag magcomment haha. Alam nyo na kung sino kayo =)

 

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon