Chapter 56: ASHIAN (ASHI-YAN)

372K 6.6K 2.9K
                                    

Dedicated kay MissPosh kasi love ko siya. BAAAAKS! SALAMAT SA LAHAT. *Mwaaah*

Chapter 56: ASHIAN (ASHI-YAN)

Ashley’s POV

Dinala nila kami sa isang abandonadong gusali. Madilim, malamig, madumi at nakakatakot.

Nangingibabaw yung tawanan nung mga lalaking dumukot samin. Kung bakit dinala nila kami dito, yan ang hindi namin alam.

Natatakot ako, natatakot ako sa mga pwedeng mangyari saamin.

Basang-basa na rin yung panyong nakatakip sa bibig ko. Sukang-suka na ko. Nangangalay na rin yung panga ko. B-Bakit ba kailangang mangyari samin to?

Isa-isa nila kaming tinali sa mga poste. Magkakalayo, pero kita namin ang isa’t isa. Bigla kaming nagkatinginan ni Fretzie. Yung mata niya…

Naiiyak na siya sa sobrang takot. Gusto ko na ring maiyak, pero hindi. Hindi ako magpapakita nang kahinaan sa mga to. Kailangan kong lakasan ang loob ko.

“T-Tanggalin niyo naman yung panyo sa bibig ng kaibigan namin!” Sigaw ni Monique. Awang-awa siya sa itsura ko. Mukha pa ba akong tao? Malamang hindi na.

Maya-maya nilapitan ako nung lalaking maitim na may hawak sakin kanina. Umupo siya para pantayan ako.

Akala ko…Akala ko tatanggalin na niya yung panyo pero hindi niya ginawa yun. Sobrang kinilabutan ako sa ginawa niya. Marahas niyang hinalikan yung pisngi ko.  

“ASHLEYYYY!!!!!!!!!!!!!!!!!” Rinig kong sigaw nila Fretzie. Gusto kong ring sumigaw! Gusto kong magwala! Napaka-hayup niya! WALA SIYANG KARAPATANG BABUYIN AKO!

“P*nyeta! LAYUAN MO SIYA!” Sigaw ni Lexi. Pinipilit niya makawala sa pagkakatali sakanya sa poste.

“rghhhhhhmmmp---hugggghhhh!!!!” Sigaw ko. Alam kong wala silang maiintindihan sa lumalabas na tinig mula sakin, pero kahit ganun binigay ko ang lahat ng pagmamakaawa para pakawalan kami dito.

Pero imbis na maawa, lalo silang natuwa sa nakikita nila. Para silang mga demonyo kung ngumiti.

“Loko tong si negro! Naka-score agad!” Sabi nung lalaking may hawak kay Monique kanina. Hindi ko man lang mapunasan yung mukha ko. Sobra yung pandidiring nararamdaman ko ngayon. Nung una yung panyo, tapos ngayon? Hahalikan ako ng impaktong to? ANO BANG KAMALASAN TO!!!

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon