Our Thirteenth Moment

1.2K 90 8
                                    

Keil Punzalan

Ever since that day na hinalikan ko sa pisngi si Davien ay parang nagkaroon siya ng kakaibang confidence.

Halos kada linggo ay di ako nawawalan ng bulaklak na padala mula sa kanya.

Naging busy na rin kasi siya kaya kung hindi niya ako kayang dalawin dito ay nagpapadala nalang siya ng bulaklak o kaya naman mga chocolates.

Heto naman ako, kilig na kilig.

Yung balita pala doon sa sinungaling na babaeng yon. Nasira ang image niya dahil sa katotohanan na lumabas at katulad ng mga tsismis ngayong panahon na ito, maingay lang sa umpisa pero ilang araw lang ay nakalimutan na rin nila ito.

Dahil dito ay inalis na siya bilang endorser ng clothing brand ng company ni Davien pero andiyan pa rin ang kanyang mga fans.

Good for her.

Mabilis na dumaan ang bagong taon at sobrang saya namin dahil muli na naman kaming nagkasama samang lahat.

Sama sama namin muling sinalubong ang bagong taon parang nung dati lang na magkakasama kami.

Kami naman ay naging tampulan ng tukso kasi naman itong si Davien ay nakuha niya akong maloko na isuot ang bigay niyang damit. Hindi ko naman alam na pareho naman pala kaming mayroon nito at mukhang couple shirt tuloy ang peg namin.

"Wow ang cute niyo naman big brother and kuya Keil... Bagay na bagay po talaga kayo..." Ang papuri naman sa amin ni Baby Dandan.

"Yesss super cute niyo. Wait lang... Let me take a picture of you." Ang sabi naman ni Debby kaya pumwesto naman kami.

Naramdaman ko naman ang pagdikit ng kanyang katawan at ang kasunod nito ay ang paglapat ng kanyang kamay sa aking balikat.

Parang may kumikiliti sa aking tiyan dahil sa pagdikit niya sa akin.

Aaminin kong masayang masaya ako ngayon at sana hindi ko pagsisihan ang naging desisyon ko na bigyan siya ng chance para patunayan ang sarili niya.

"Smile..." Ang narinig ko nalang sabi niya at parang may kuryente namang dumaloy sa buong katawan ko dahil ibinulong niya kasi ito sa aking tenga.

Kahit kinikilig ako at nahihiya ay nakuha ko pa ring ngumiti pero hindi nalang ako sigurado baka nagmukha naman akong ewan dahil dito.

Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo.

Ilang beses pang dumalaw sa bahay si Davien para sa akin at sa loob ng mga araw na nasa trabaho naman siya, ginawa ko namang busy at productive ang sarili ko sa pamamagitan ng pagluluto.

Siyempre dahil isang kamay palang ang kaya kong gamitin ay nandyan si Ate Leti para tulungan naman ako.

Bale parang taga utos lang ako and si Ate Leti will do the cooking.

Hindi rin naman ako nabored sa bahay dahil dinadalaw naman ako ng mga kapatid ni Davien lalong lalo na si Dandan na halos kada hapon ay dinadalaw ako.

And today is the day!!!!

I'm super excited na aalisin na rin ang cast sa aking braso ngayon.

Sinamahan naman ako ni mama sa doctor dahil nagtatrabaho pa si dad pero ang alam ko ay sa susunod na taon ay magreretire na din silang dalawa.

Agad na kaming dumiretso sa hospital  at excited na talaga na akong maalis itong bagay na ito at magawa na ang mga bagay na gusto kong gawin.

Pagkadating sa hospital ay naghintay lang kami ng ilang minuto at sumalang na ako. May tinanong lang siya ng ilang bagay pagkatapos ay inalis na nila ang semento sa aking braso.

Moments [Completed] UneditedWhere stories live. Discover now