His 5th Moment

1.7K 107 11
                                    

Labag man sa kalooban ko ay nilisan ko rin ang hospital na kung nasaan si Keil. Agad akong umuwi kasama ang kapatid kong si Debby. Tahimik ang naging biyahe namin pauwi ng bahay. Wala kang ibang maririnig sa amin kung hindi ang tunog lamang ng makina ng sasakyan.

Maayos naman kaming nakauwi sa amin at hindi rin namin naabutan sina Mom at Dad dahil nakaalis na sila papunta sa kanilang trabaho.

"Kuya..." Akmang kakausapin pa ako ni Debby pero nagtuloy tuloy nalang ako sa aking kwarto sa taas. Sabado ngayon at nandito lahat kaming magkakapatid sa loob ng aming bahay.

Napahiga na lamang muli ako sa aking kama at napatitig nalang sa aking kisame.

Paano ko kaya makakausap si Keil? Gustong gusto ko na siyang makita. Namimiss ko na ang presensya niya.

Hindi rin nakatulong na nandito ako sa aking silid dahil kahit saan ako lumingon ay parang nakikita ko siya.

Kung paano niya ako tingnan at panoorin habang nagpipinta ako. Kung paano niya ako dalhan ng pagkain dito sa taas at sabay pa naming kakainin ito. Kung paano siya makakatulog nalang sa panonood sa akin at tumutulo pa ang laway niya.

Mukhang mababaliw na ata ako sa maikling oras na hindi ko siya nakikita.

Minabuti ko na lamang tumayo at pumunta sa working area ko kung saan ako nagpapaint.

Binuksan ko ang isang drawer dito sa table ko at kinuha ko ang lumang sketchpad ko. Sa katandaan na nito ay kumapal na ang pahina nito sa paglalagay ko ng paglalagay ng mga bagong ginuhit ko.

Maliban kasi sa pagpinta ay gumuguhit din ako.

May kabigatan na rin ito ng ibaba ko ito sa table. Pilit ko itong inaalagaan kahit na matagal na ito dahil naglalaman ito ng mga pinakaiingatan kong mga guhit.

Binuksan ko na ito. Bumungad sa akin ang pinaka recent na drawing ko. It was a sketch of him messily eating on the day I asked him to help me buy my necessities on painting. I know he's kinda still mad at me that day pero hinila ko na lang siya para samahan ako ng hindi ko sinasabi sa kanya kung saan kami pupunta.

I flipped again the next page. It was him standing and waiting for me on the parking lot. Hindi ako agad nagpakita sa kanya para matitigan ko siya at mapagmasdan. Pilit kong minememorya ang itsura niya para maiguhit mamaya.

The next sketch of him is when he accidentally slept on my bed. He was so cute sleeping on my bed. I even stop what I am painting that day just to sketch him in his current situation. Nakataas pa nga ang laylayan ng kanyang tshirt habang natutulog siya.

I flipped and flipped all the pages of my sketchpad all over again. It was full of sketches of him. Maybe I'm just in denial for a long time about what I really feel for him.

Ngayon lang talaga nagsisink in sa akin kung gaano siya kahalaga sa akin. Pilit kong nirarason sa sarili ko na siya lang ay isang subject sa mga sketches ko kaya naman puro mukha niya lang ang nandito. I can't even acknowledge what I truly feel. Sa pamamagitan ng pagtingin sa mga sketches kong ito ay parang pinagmamasdan ko na rin siya. Pero.... pero hindi pa rin ito sapat para mapunan ang kagustuhan kong makita at mahagkan ko siya.

I didn't know that I was this of a crybaby... Ilang beses na ba akong umiyak sa loob lamang ng dalawang araw? Pero god knows kung gaano mas karaming iniluha si Keil kasama ako. Baka wala pa sa sampung porsyento ang mga luhang iniluluha ko kumpara sa kanya.

Instead of crying again, I wiped all my tears and think of a way how to get his forgiveness.

Bakit hindi ko nga ba naisip kaagad ang cellphone ko. I immediately find where my phone is. Kinapkap ko ang bulsa ko pero wala siya dito. Saan ko nga ba nailagay ito?

Moments [Completed] UneditedWhere stories live. Discover now