His 8th Moment

1.5K 97 14
                                    

Pumasok na kami sa loob ng garden restaurant at kahit hindi pa kami kumakain ay kita ko naman na busog na siya sa nakikita niyang iba't ibang mga halaman na naririto.

Masaya naman ako at nagustuhan niya ang lugar na napili ko.

Umorder na ako at halos inorder ko na ang nasa buong menu dahil hindi ko rin naman alam ang gusto niyang kainin.

"Ang dami naman ata ng inorder mo Vien?" Tanong niya naman sa akin.

"Ayos lang yan. H-hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang gusto mo." Nahihiyang sabi ko naman sa kanya.

Hindi katulad ng dati na kapag kasama ko siya, ngayon ay parang may awkward moment palagi sa aming dalawa. I still feel na naglalagay pa rin siya ng distansya kapag kasama ako na di katulad ng dati.

Nararamdaman ko ring parang may nagbago na sa kanya.

Dumating na naman ang mga food na inorder namin.

May steak, salads, fish at marami pang iba. Organic daw lahat ang mga inihain nila kaya naman healthy ang mga ito.

Agad ko namang inislice ang steak na pagkalapag na pagkalapag ng waiter.
Matapos kong gawin ito ay agad ko namang kinuha ang plate niya sa harap at ipinalit ito sa steak na hiniwa hiwa ko na.

"Ah... S-salamat." Sabi niya naman sa akin.

"Let's dig in." Sabi ko naman sa kanya at nag-umpisa na kaming kumain.

While eating, pasulyap sulyap naman ako sa kanya. Hindi naman siya nagsasalita at nag-iisip pa ako kung ano ang sasabihin ko para makausap siya. Ibang iba talaga siya sa Keil na nakilala ko dati na palaging makwento.

"Do I still make you uncomfortable?" Biglang tanong ko naman sa kanya.

"H-hindi...it's just that..." Hindi na niya natuloy pa ang sinasabi niya at pahina na ng pahina ito hanggang di niya naituloy pa.

Hindi talaga siya marunong magsinungaling at magtago ng nararamdaman niya. Isa nga ito sa mga nagustuhan ko sa kanya pero bakit parang ngayon na pinapakita niya lang ang totoong feelings niya ay nasasaktan ako.

Nasasaktan na hindi na siya katulad ng dati kapag kasama ako.

"Sorry..." Naibulalas ko nalang muli sa kanya.

"I know na hindi madali na kalimutan nalang ang mga nagawa ko sayo at kahit na sinabi mong napatawad mo na ako ay di pa rin maaalis ang mga masamang nangyari between us. Hindi ko man lang inisip ang feelings mo at agad nalang kitang inaya dito eh ilang oras palang ng patawarin mo ako... Hindi ko nga rin pala narinig na pumayag ka pero hinila nalang kita rito." Nahihiyang sabi ko naman sa kanya at sising sisi ako sa padalos dalos ko na kilos.

"No, you don't have to say sorry. Ako nga ang nagsabing kalimutan nalang natin ang lahat ng nangyari dati pero ako mismo ay di ko rin magawa. Baka sa umpisa lang ito. D-dont frown na, hindi mo bagay..." Sabi niya naman sa huli na parang bang sinasabi niyang let's move on and don't talk about it anymore.

"Ah really? I thought I look cute though?"  Bulong ko namang sabi sa huli.

"Haha you're not cute kaya.." sabi niya naman na akala ko ay di niya narinig ang ibinulong ko kanina.

Napakamot naman ako sa aking likod ng ulo dahil nahihiya ako. Mabuti nalang at nawala wala na rin ang madilim na aura na bumabalot sa amin kanina.

Masaya na naming ipinagpatuloy ang pagkain namin pagkatapos nito.

"Here, try it it's delicious." Sabi ko sa kanya ng binigyan ko siya ng sweet and sour fish.

"A-ah ok."

Moments [Completed] UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon