My 2nd Moment

2K 114 4
                                    

Lumipas ang ilang mga linggo at ganoon pa rin ako. In love pa rin sa minamahal kong si Davien.

Sabado ngayon at dahil walang pasok ay naisipan kong pumunta sa kanila dahil wala rin naman akong ginagawa dito sa bahay. Wala sina mom at dad at may work pa rin sila kahit na Sabado.

Nag-ayos muna ako ng sarili ko at bago ako pumunta sa kanila ay naisipan ko namang magbake muna ng chocolate cookies.

Matapos kong magbake at mailagay ang mga cookies sa tupperware ay mabilis na akong kumilos papunta kina Davien. Syempre naghiwalay ako ng para lang sa kanya.

Pagkapasok ko palang sa kanilang gate ay nakita ko naman ang pangatlo sa mga magkakapatid na si Derrick. 14 years old palang siya at guwapo rin katulad ni Davien.

Noong una ko nga siyang nakilala nung bata pa siya eh sobrang ayaw nito sa akin, malay ko ba. Pero nung madalas na akong pumupunta sa kanila ay nakasundo ko naman siya.

Kasalukuyan siyang nagba-basketball ngayon dito sa side ng bahay nila. May maliit na court kasi sila. Mahilig sa sports itong si Derrick at sa tangkad nito kaya kaagad siyang nakuha sa team nila ngayon sa high school.

"Oh kuya andyan ka pala. Sigurado ako si kuya na naman ang pakay mo. Nasa taas sya nakakulong na naman sa kwarto niya." Sabi naman ni Derrick ng makita niya ako.

Alam lahat ng pamilya ni Davien na may gusto ako sa kanya pero ang mismo kong pamilya ay di nila alam. Maliban na lang sa kuya at mom ko na sa kadahilanang umamin ako ng tunay kong kasarian sa kanila.

Kinausap ko sila na wag na muna nila itong sabihin kay dad at sinabi kong ako mismo ang aamin sa kanya. Iba kasi magalit si dad nadala na ako. Noong bata pa kasi ako dahil sa kakulitan ko ay napaglaruan ko ang mga papeles niya kaya ayon pinalo ako ni dad at galit na galit siya sa akin. Iyak ako ng iyak noon at simula ng araw na iyon parang takot na takot na ako na magalit si dad sa akin.

Balik naman sa realidad.

"Baliw hindi kaya! " Sagot ko naman kay Derrick.

"Nagbake kasi ako ng cookies kaya dinalhan ko kayo." Dagdag ko nalang na sabi na sa totoo naman ay nagbake lang ako para may rason akong pumunta sa kanila.

"Wow patikim nga." Lumapit naman si Derrick at kumuha ng isa sa mga dala ko.

"Ang sarap sarap talaga ng mga luto mo. The best ka talaga dapat talaga nag chef ka nalang." Sabi naman niya.

Napaisip naman ako dahil pangarap ko talaga na maging isang chef at makapagpatayo ng restaurant pero dahil kay Davien na ultimate kong pangarap ay sinubukan ko nalang ang course na Business Management at sigurado naman akong makakatulong ito sa akin dahil may business kami.

"Oh tama na yan." Sabi ko sa kanya na kukuha pa sana ng isa.

"Akala ko bang para sa amin yan?" Tanong naman ni Derrick.

"O-oo para sa inyo talaga yan pero tirhan mo naman ang iba mo pang kapatid no."

" O sige pa tirhan mo nalang ako sa kanila ah at magpapraktis pa ako na magbasketball dito."

"Oh sige sasabihin ko nalang sa kanila." Sabi ko sa kanya.

Pumasok na ako ng kanilang bahay at nakita ko sa sala sina Debby at Danny na naglalarong dalawa.

Si Debby ang nag-iisang babae sa kanilang magkakapatid. Maganda siya at dalagang dalaga na sa edad na 17. Si Danny naman ang pinaka bata sa magkakapatid. 5 years old pa lamang siya atsaka napakacute at bibong bata nito. Akala nga nila ay di na magkakaanak sina tita Lisa dahil 40 na siya ng ipanganak si Danny.

Moments [Completed] UneditedWhere stories live. Discover now