My 4th Moment

1.6K 121 5
                                    

Ilang araw na rin akong nagtatanong sa aking sarili. Guni-guni ko lamang ba ang mga ito o totoo na?

Para kasing bumait na sa akin si Davien?

Di ko alam paano ako magrereact sa mga bago niyang ginagawa ngayon.

Simula kasi ng bigyan niya ako ng ice coffee ay di lang natapos yon sa ganoon dahil may sumunod pa.

Kinabukasan ay chocolate milk drink naman ang binigay niya sa akin.

Sa una ay masayang masaya ako dahil nakareceive na naman ako ng something sa mula sa kanya. Pero naisip ko rin eh bakit niya pala ako binigyan nito.

Pinagsawalang bahala ko nalang iyon dahil masaya naman ako ng bigyan niya ako ng pansin.

Nung isang araw naman bago pumunta sa school habang hinihintay ko siya sa kanila na bumaba dahil maaga ako, as usual masaya ko na naman siyang binati ng good morning pero nagulat na lamang ako ng binati niya rin ako.

Sa pagkakaalala ko ay dapat magtutuloy tuloy lamang siya sa kaniyang gagawin at di naman niya ako papansinin.

Natanong ko tuloy siyang bigla ng habang nasa sasakyan kami kung may lagnat ba siya sabay hawak ko sa kaniyang noo.

"Normal naman ang temperature mo." Sabi ko naman sa kanya.

"Alisin mo nga ang kamay mo sa noo ko. Atsaka wag mo nga akong hawakan." Masungit na sabi niya sa akin kaya di na ako muling nagtaka kasi masungit na naman siya.

Maayos kaming nakarating ng school noong araw na yon pero imbis na ibaba niya ako sa kanto ay dumiretso lang siya sa kanyang pagdadrive.

"Oy Davien lumagpas ka na, doon yung babaan ko diba?" Sabi ko naman sa kanya ngunit wala naman siyang kibo sa sinabi ko.

"Hay bahala ka na nga diyan para ka namang..."

Di ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin niya ito.

"Parang ano?" Tanong niya sa akin.

"Parang... Parang ano.." ano nga ba? Di ko na natapos ang sasabihin ko ng di ko na alam kung parang ano nga ba siya.

"Tsssk pasalamat ka nalang dahil dito sa loob ng university kita ibababa ngayon." sabi niya nalang sa akin.

Di nalang ako muling nagsalita at hinintay ko na lamang na makapagpark siya.

Ng huminto na ang sasakyan ay nagpasalamat na ako sa kanya sa paghatid niya sa akin.

"Thank you ulit sa ride. Sana sa susunod ulit hanggang dito na sa loob mo pa rin ako ihahatid." Pacute ko namang sabi sa kanya.

"Una na ako." Paalam ko sa kanya.

Masayang masaya naman ako noong araw na iyon.

Abot langit na ngiti naman ang naging dulot nito sa akin. Buong araw na ata akong nakangiti at nasabihan na nga rin akong baliw ng mga kaibigan ko.

Ng dumating ang oras ng lunch break ay same routine pa rin. Magccr sana ako noon nang makasalubong ko naman si Davien.

Nginitian ko naman siya habang papalapit siya sa akin.

Wala namang emosyon ang kanyang mukha habang naglalakad.

"Hintayin kita sa parking mamaya wag kang malalate kundi iiwan kita." Yan ang sabi niya sa akin at umalis na siya kaagad ng hindi man ako nakakapagsalita.

Dumiretso naman ako sa banyo at di pa rin rumerehistro sa utak ko kung ano ang kanyang sinabi kanina.

Nang matanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin ay napasigaw naman ako habang nasa cr buti nalang at walang ibang tao ngayon dito sa loob.

Moments [Completed] UneditedWhere stories live. Discover now