My 7th Moment

1.5K 107 32
                                    

Nakita ko si Davien na walang malay sa sahig niya. Magulo ang kwarto at mukhang nagwala nga ito.

Never ko pa siyang nakitang nagkaganito. Masakit para sa akin kung ano man ang kanyang pinagdadaanan ngayon.

Nilapitan ko na siya at nalaman kong nakatulog lang pala siya dahil sa kalasingan niya.

Inayos ko na muna ang mahihigaan niya bago ko siya binuhat papunta sa kama niya. Nahirapan man ako ng kaunti ay kinaya ko naman siyang dalhin sa kanyang kama.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili na haplusin ang kanyang maamong mukha ngayon kahit siya ay nagkaganito. Birthday na birthday pa niya naman.

"Ako ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganito? Talaga bang ayaw mo sa akin?" Ang mahinang sabi ko habang haplos haplos ang kanyang pisngi. Nangingilid na rin ang aking mga luha ngunit napigilan ko ito ng bigla na lamang napabangon si Davien sa kanyang pagkakahiga.

Akala ko ay magigising na siya pero nagsuka lang pala siya. Mabuti nalang at agad akong nakatayo kung hindi ako ang nasukahan niya.

Hinagod hagod ko naman ang kanyang likod para kahit na papaano ay mahimasmasan siya.

Nang matapos naman siyang magsuka ay bumalik na rin siya sa kanyang pagtulog. Ngunit di ko naman siya pwedeng pabayaan sa ganitong sitwasyon.

Di ko alam kung ano ang uunahin ko ngayon. Kung ang suka niya sa sahig o linisin ang katawan niya?

Minabuti ko nalang na kumuha ng palanggana sa baba nila at nilagyan ko na rin ito ng tubig. Pagkaakyat ko sa kanyang kwarto ay inilapag ko na muna ang dala sa table sa tabi ng kama niya.

Inumpisahan ko na siyang hubaran at iniwan ko nalang ang kanyang boxer shorts. Napakaganda ng kanyang katawan kaya di ko maitatanggi na nasisiyahan rin ako sa aking nakikita. Pero isinantabi ko na muna ito at inuna ang ano mang kailangan kong gawin.

Kumuha ako ng bimpo at nilinis ang kanyang katawan pati na rin ang kanyang mukha. Sa una ay ilang pa ako sa pagdampi ng bimpo sa kanyang katawan pero inisip ko nalang na kailangan kong gawin ito.

Matapos ko siyang nilinisan ng katawan ay humanap ako ng damit sa kanyang drawer. Nakahanap naman ako ng isang sando para ipasuot sa kanya. Pahirapan ang pagpapasuot ko sa kanya dahil mabigat na siya at tulog pa dahil sa kalasingan.

Pinagpawisan ako sa totoo lang.

Matapos kong maibaba ang mga gamit na pinanglinis ko sa kanya ay tinignan ko naman kung nandyan ang maids nila pero mukhang nagkakasiyahan pa sila at naalala ko rin na di pala siya nagpapasok ng ibang tao sa room niya.

Ako na ang kumuha ng mga basahan at isa pang lalagyan ng pinagsukahan niya. Matapos ko itong nilinis ay sinabay ko na rin ang magulo niyang kwarto. Pati ang ilang paintings niya ay gulo gulo na. Andyan ang mga libro at ibat iba pang mga gamit niya na nagkalat sa sahig. Paintbrushes at ilang mga paper na pampaint ay di niya rin pinalampas.

Inilagay ko na lahat sila sa kanilang mga tamang lagayan pero nakita ko na naman ang sketchbook na ayaw niyang ipakita sa akin. Bubuksan ko na sana ito pero mukhang napaka importante nito sa kanya kaya irerespeto ko nalang siya kaya itinabi ko na rin ang mga ito.

Matapos kong maglinis ay umupo muna ako sa tabi ng kanyang kama. Tinitigan siya at hinahawi pataas ang kanyang buhok.

"Mhnnnmmm" mukhang nananaginip ata siya at kumukunot pa ang kanyang noo. Hinawakan ko naman ang isa niyang kamay at pinagpatuloy ang paghawi ko sa buhok niya.

Mukhang umayos naman siya at nakatulog muli ng mahimbing. Di ko namalayan na sa tagal ko ng pagtitig sa kanya ay inantok na rin ako at nakatulog na hawak ang kanyang kamay.

Moments [Completed] UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon