His 4th Moment

1.7K 113 6
                                    

I am still searching kahit na sinabihan ako ni dad na umuwi na. Dahil humina hina na rin ang ulan ay mas malaya na akong makakapagsearch ng wider area para hanapin siya.

Minutes turns into hours. Di ko pa rin siya makita at maski anino niya ay wala akong makitang bakas nito.

I'm slowly losing hope of finding him.

Nahinto lamang ako sa aking paghahanap ng magring muli ang phone ko. Hindi ko ito sinagot at pinatay ko lang ito. Siguradong sina dad at mom ito at papatigilin na nila akong hanapin si Keil.

Mag-aalas dos na ng madaling araw at parang napapagod na rin ang mga mata ko sa kakahanap.

Nagring muli ang phone ko pero katulad ulit kanina ay pinatay ko ito.
Pero bago ko pa itago ito sa loob ng bulsa ko ay sunod sunod namang dumating ang messages sa phone ko.

Binuksan ko ang unang message from mom.

"Davien bakit hindi mo sinasagot ang phone mo? Nahanap na namin si Keil nandito kami ngayon sa XXXXX Hospital!"

Mabilis kong pinaharurot ang aking sasakyan ng mabasa ko agad ang message mula kay mom.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at dumiretso na agad ako sa hospital na sinabi nila.

Malayo layo ngayon sa location ko ang hospital na yon kaya naman umabot din siguro ako ng halos isang oras bago ako nakarating doon.

Nang ma ipark ko ang sasakyan ay dali dali akong bumaba at naglakad na para pumasok dito. Habang naglalakad ay inopen ko ang phone ko at may bago na namang mga messages. Sinabi dito na nasa room 303 na daw si Keil at dumiretso nalang daw doon ako.

Mabilis akong umakyat sa third floor at hindi na ako nakapaghintay pa sa elevator nila.

Nakita ko naman kaagad sina mom at dad sa labas ng room kaya naman pinuntahan ko sila kaagad.

"Mom where is he? Is he ok? Anong nangyari sa kanya?" I bombarded my mom these questions as soon as nakalapit ako sa kanila. I'm really worried about him.

Hindi ko alam bakit nandito siya sa hospital at anong nangyari sa kanya? Nasagasaan ba siya, nakidnap or what?

"Davien calm down! There's no need to worry anymore. He is going to be fine. The doctors here are doing their job. They know what to do." Sagot na sabi naman kaagad ni mom sa akin.

"Do you know Chester Madrid? The son of Maria and Jackson Madrid our business partners na pinakilala ko sa iyong birthday?" Tanong naman ni dad sa akin.

Tumango naman ako bilang tugon sa tanong niya. Pero ano ang kinalaman nila dito sa pagkawala ni Keil?

"Actually their youngest son Cole, hindi siya nakadalo noon sa birthday mo. Siya yung nakakita kay Keil na walang malay at nakahandusay sa basang daan. He helped him and he brought him here. Nabigla pa nga ako dahil kilala niya si Keil. Nasa loob din siya kausap sina tito James at tita Gina mo."

Tumango nalang ako sa paliwanag nila. If I can still remember, Cole is that asshole na finacial ako ng bola ng volleyball back in high school. He didn't even say sorry about what he did. I bet he's still a jerk today.

"P-puwede na ba akong pumasok mom, dad?" I ask them.

"Huwag muna hayaan mo muna sina tito at tita mo. They are still thanking Cole for what he did." Sabi naman ni mom.

Pansamantala nalang muna kaming umupo dito sa isang bench sa labas ng room ni Keil.

Hindi ako mapakali lalo na't itong wall nalang ito ang naghihiwalay sa aming dalawa. Gustong gusto ko na siyang makita at masiguradong ayos lang ang lagay niya.

Moments [Completed] UneditedWhere stories live. Discover now