My Last Moment

1.9K 135 38
                                    

Para naman akong naestatwa at di alam kung ano ang gagawin ko ng bigla na lamang siyang sumulpot sa pintuan. Eksakto pa naman na hawak hawak ko ang nasirang piece na ipapasa niya para bukas.

Magsasalita na sana ako para magpaliwanag pero bago ko pa man mailabas ang unang salita sa aking bibig ay naunahan na niya ako.

"Anong ginagawa mo!? Bakit mo hawak... Teka bakit ganito na ang nangyari dito?" Sobrang galit siya at agad siyang nakapunta sa kinapupwestuhan ko. Marahas at malakas niyang kinuha ang painting niya mula sa mga kamay ko.

Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla at takot sa kanya. Para akong napipi at nalunok ko na ang mga salitang dapat kong sabihin. Napapitlag din ako ng kunin niya ito sa aking mga kamay. Para akong maamong tupa na sobrang takot dahil sa anumang oras ay ready na akong kainin ng isang ligaw at mabangis na lobo.

"Sinira mo ba ito!?" May pagkalakas na pagkakasabi niya sa akin.

"Hi-hin..." Di na niya ako pinatapos pa sa aking sasabihin.

"Wala ka na talagang mabuting maidudulot sa buhay ko at sinisira mo pa talaga ang pangarap ko! Akala ko pa naman ay kaya mo ko gustong tulungan at pinasali dito sa contest ay para makita ang idolo ko pero ano to! Anong ginawa mo!"

"Hindi sa ganoon di ko naman sinira yan. K-kasi..." Nanginginig na ako at parang maiiyak na sa anu mang sandali dahil sa pagsigaw niya sa akin.

"Anong hindi ikaw! Eh kitang kita ang ebidensya!" Marahas niyang kinuha ang kanang kamay ko at nakita ko namang puno ito ng iba't ibang pintura dahil sa paglilinis ko. Bakit ganito? Bakit palagi na lamang di pumapabor sa akin ang tadhana at pilit na nangyayari sa amin ang ganitong mga masasakit na mga bagay? Bakit tila ayaw niya na bigyan kami ng pagkakataon na dalawa?

Tuluyan na akong naiyak at di ko na napigilan pa ang sarili ko.

"Huwag ka ngang umiyak diyan! Kitang kita dito sa mga kamay mo na ikaw ang gumawa ng lahat ng ito! Sinira mo ito at huwag ka ngang umiyak na para bang ikaw pa ang inaano ko dito! Tandaan mo okaw ang may kasalanan dito!"

"S-sorry..." Mahina at umiiyak kong sabi sa kanya. Sakto lamang upang marinig niya ito.

"Sorry? Sorry! Anong magagawa ng sorry mo! Atsaka sandali lang..." Bigla niya na lamang binitawan ang kamay ko na hawak hawak niya kanina at mabilis naman niyang ibinaba ang suot niyang bag sa kanyang kama at may hinahanap na bagay sa loob nito.

Tinitigan ko lamang siya at sinusundan ang kanyang mga galaw gamit ang aking paningin.

May kinuha siya dito na para bang isang notebook na maliit pero di ko alam kung ano iyon.

Muli naman siyang humarap sa akin gamit ang galit niyang mukha.

"Heto! Ano ang bagay na ito ha!" Ipinakita niya sa akin ang isang parang photo album na pinagkamalan kong notebook kanina.

Ang pinagtataka ko lang ay punong puno ito ng aming mga larawan. Nariyan ang magkatabi kami sa sasakyan papunta sa university o pauwi sa amin, ang isa naman ay yung pareho kaming nasa garden at nakaupo sa isang bench, sa cafeteria noong nagkasabay kaming bumili ng drinks sa isang stall, sabay kaming kumakain sa fastfood chain na kinainan namin noong nakaraan lamang at yung isa pa ay noong tulog siya at ako naman ay tulog din katabi niya ngunit magkahawak ang aming mga kamay. Marami pang ibat ibang mga larawan namin ang nakita ko na nasa photo album na ipinakita niya.

Hindi naman ako nakapagsalita dahil di ko alam ang sasabihin ko kung bakit narito ang mga larawan namin. Di naman sa akin ang album na ito. At kahit na matagal ko na siyang gusto na gusto ay di ko naman gagawin ito dahil magmumukha lamang akong super obsessed sa kaniya.

Moments [Completed] UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon