Chapter26: You and i tonight.

651 20 6
                                    

(A/N: So habang tinatype ko to, puro mga kinanta ni jonel or dinedicate niya para kay ericka yung nasa playlist ko kaya ewan. Lame? I don't think so. Ewan. Hindi ako makamove on kay jonel pag naririnig ko yung statue tsaka yung this i promise you eh pero pag naiisip ko si bernard, nalilimutan ko na si jonel. hahahha. pero uyyy!! Kinikilig ako sa comment niyong dalawa sa Ud ko nung nakaraan! Masaya ko kasi gusto niyo na si bernard! =)))))))) Pero mas masaya ko kasi sa dami dami ng nakatapos ng book one, kayong dalawa lang yung pinakaactive. Pero i had to admit it, namimiss ko na yung mga una kong loud readers. Drama ko. Hahahaha. pero my sarili naman silang buhay. Pero kasi.... Haaaaay. Magbasa na nga lang kayo. I love you for staying <3)

-Magandang iAlwaysWill 

____________________

Feeling ko ten years na kaming nagtititigan pero wala pa ring gumagalaw. Ramdam na ramdam ko yung pabilis na pabilis na tibok ng puso ko. Feeling ko nga nararamdaman at naririnig niya sa sobrang lapit namin sa isa't isa eh.

Gustong gusto kong gumalaw sa kinatatayuan ko pero hindi ko magawa gawa. Parang naglue sa kanya yung katawan ko at yung mata ko.

*ding dong ding dong*

Napabalikwas kami nung biglang may nagdoorbell. Dahil medyo nga masakit yung tuhod ko, sya yung nag adjust. Napaupo kami ng maayos sa sofa nun pero walang tumatayo samin. Nahihiya ako. Ano bang iniisip ko? Bakit ba ko nakikipagtitigan sa kanya?

Tiningnan ko sya tapos nung napatingin sya sakin, umiwas ako ng tingin. Kinapkap ko yung phone ko para magtext ulit kunwari kasi nakatingin pa rin sya sakin pero bago ko pa man ilabas yung phone ko, narinig ko syang nagbuntong hininga.

-Ano bang problema ko??

Tumayo na sya nun tapos sinettle niya na yung sa delivery. Samantalang ako, hindi makagalaw sa inuupuan ko. Bukod sa masakit yung tuhod ko, naiilang pa ko. Nilapag niya na yung pagkain sa may side table tapos binigyan niya ko ng cd case. Pinapapili niya ko ng movie.

Natuwa nga ko kasi ibig sabihin mag mu-movie marathon kaming dalawa eh. Pero nung nakapili na ko ng panonoorin, sinalang niya lang yun tapos umupo sya sa tabi ko. Akala ko sasamahan niya kong manood pero hindi pala.

-Matutulog ako. Manood ka na lang. Tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka.

Pipigilan ko sana sya pero ang bilis niya umalis. Humiga sya dun sa kama tapos hindi ko na sya narinig. Naiiyak na naman tuloy ako. Ano bang ginawa ko? Kumain lang ako at nanonood nung bigla ko syang marinig na maguubo.

Sinisilip ko sya pero hindi ako makatayo ng maayos. ang sakit kasi talaga ng bagsak ng tuhod ko anina kaya mukang napilayan pa ko. Sinisilip ko sya sa kwarto niya pero sarado yung ilaw. Maya maya tumigil din sya sa pag ubo pero nung nagtagal, umubo na naman sya.

Tumayo na ko nun kahit masakit yung tuhod ko, Para kong may pilay na naglakad papasok sa kwarto niya. Medyo madilim kaya kinapa kapa ko yung switch tapos pagbukas ko, nakita ko syang tulog dun sa kama niya. Wala syang ibang ginawa kundi umubo.

Lumapit ako sa kanya tapos hinipo ko sya sa noo. Grabe. ang init init niya. Lumabas agad ako nun para kuhaan sya ng tubig at bimpo. nakahawak ako sa pader nun para hindi ako matumba. Takte naman kasi eh. kung bakit ang tanga ko eh. Naglalakad na ko palik nun..

*boooghs*

Nadapa ako tapos nabasag pa yung basong kapit ko at yung laman na tubig natapon pa sakin. Nagkalat yung bubog, natamaan pa ko sa binti. Ang sama pa nung bagsak ko. Naiiyak na ko.

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon