Chapter33: Refresh.

663 25 6
                                    

Short chapter.

Di ko namalayang nag red lights at nagdirediretso ko sa may highway. May malaking truck na parating kaya napaliko ako kaya nawalan ng preno ang sasakyan ko..

___________

Nasa may national bookstore ako. Madaming tao.. siksikan. hinila ko si ate nikka sa may fiction shelves. bibili ako ng libro ng once upon a time, kabado pa ko that time dahil baka maubusan ako ng once upon a time pero ang galing lang kasi may isa pang natira.. Lumapit agad ako sa libro pero...

-Hoy! Akin to!!!!

-Waaah. nauna ko..

kamay ng babae yung nahawakan ko. Kamay ng isang maganda at maputing babae. Sa sobrang puti niya, ang putla na niyang tingnan. Natulala ako sa kagandahan niya. nakahawak pa rin yung kamay ko sa kamay niyang may hawak ng libro..

-Ah, Eh... Kukunin mo ba yung libro?

-Miss akin na lang to!! Sige na naman please?

-Pangbabae to eh.

-Sige na miss! Akin na lang! Akin na lang. Kailangan ko to! Please?

-Sige na nga.

Nagsasalita pa ko nun kasi feeling ko hindi sya papayag.

-Sige na naman miss. Akin na lang ha? Akin na lang tong.... PUMAPAYAG KA???

-Sigurado ka miss?

-Oo. :">

Napabitaw pa ko sa libro nun dahil sa pagngiti niya sakin. Para ngang narinig ko bigla yung paglakas ng tibok ng puso ko eh. yumuko ako nun para damputin yung libro pero pagtingala ko, wala na sya...

____________

Patuloy sa pag andar yung kotse at kahit anong apak ko sa preno, ayaw tumigil. Kasabay ng pag ikot ko eh ang pagkagulo ng utak ko.. Si ericka..

____________

Ate: Mikko Mikko Mikko!

Ako: Bakit? Bakit? Bakit?

Ate: Ayos na ang lahat!!

Ako: Alin???

Ate: Magttransfer ka na sa school ni ateng maganda ang ngiti!!

___________

Bumangga ako sa puno, di ko alam kung anong sunod na nangyari nun dahil hilong hilo na ko at gulong guo pa yung utak ko. Naramdaman ko na lang na humampas yung ulo ko sa may manibela at parang unti unti na kong nawawalan ng malay pero pinilit kong mumulat.

___________

Di agad kami naging close nun dahil laging nakabantay sa kanya sina jonel. pero sa paglipas ng araw, naging close kami..

-Gusto ko ng Kiss :">

-Kkkkk...Kiss? >///<

-Huy. Bakit ang pula mo kiko? oo nga gusto ko ng kiss please?

-Ppp...pero. Sss...Si..Sigurado ka??

Hinawakan niya yung kamay ko at dun ko naramdaman ang unang pagtibok ng mabilis ng puso ko para sa kanya..

*dugdugdug*

-Sssss...sigurado ka tala....

hindi ko pa alam kung anong gagawin ko noon..

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon