Chapter19: Worth a try

668 21 4
                                    

~Ang tagal kong hindi nag update kasi sira yung letter y sa keyboard namin. Ang hirap pindutin tapos sinulit ko yung sembreak. Hahaha. Ayaw niyo pa rin ba talaga kay bernard? Wala akong masabi ngayon. Tsaka ko na kayo kakausapin. XD Goodnight! =)))

__________________________

bumalik ako sa katawang lupa ko nang biglang sumigaw si ericka kaya ako eto, napatalon sa gulat. bumukas din yung mga ilaw kaya for sure, nagising yung mga tao.

-a..anong ginawa mo sakin!?

-anong ginawa ko sayo?

-ANONG GINAWA MO KAY ERICKA!?

Nagulat ako nang biglang may boses ng lalaki na nakisabat. Pagtingin ko sa may hagdan, may lalaking nagmamadaling tumakbo at lumapit sakin at hinila ko sa kwelyo. Nakaamba sakin yung kamao niya tapos tumingin sya kay white lady na hindi ko malaman kung gising na ba talaga oh ano.

-Eri. ano? Okay ka lang ba? may ginawa ba sayo tong taong to!?

Tuluyan nang nagising si ericka nung bigla syang nataranta at nung parang narealize niya kung anong nangyayari.hinila niya ko sa pagkakakapit ng kuya niya kaya muntik na kong masakal pero binitawan na rin ako ng kuya niya.

-kuya naman!

-anong kuya naman!? anong ginagawa ng lalaking to dito? bakit magkapatong kayo!???

bigla akong napangiti pero nung nakita kong nakatingin sakin yung kuya niya sumimangot ako. Wala naman kasi talaga kong kasalanan eh.. pero pag naaalala ko yung itsura ni wite lady nung nakta niya ko napapangiti ako kaya kinagat ko yung labi ko para magpigil ng ngiti pero takte.. napapangiti talaga ko..

-ANONG NGINGITI NGITI MO JAN!?

lalapit sana sakin yung kuya ni white lady at mukang gustong gusto kong bigwasan pero nagtago ko sa likod ni ericka.

-uy.. white lady.. Ano ba to..

bulong ko sa kanya. Nakakatakot yung kuya niya. Parang gusto kong patayin.. Wala naman akong intensyon ah? Wala naman akong gagawing masama kay white lady.. ni halikan nga sya hindi ko kaya eh.

-Kuya!!

-Anong kuya?! magpaliwanag kang lalaki ka! Anong ginagawa ng kapatid ko sa ibabaw mo!?

tumingin sakin si ericka na para bang naghihintay rin ng sagot. Ano bang sasabihin ko? pagsinabi kong nandito ko kasi tinawagan niya ko at nakatulog sya kakaiyak baka maalala niya lang yung kagabi. Baka umiyak na naman sya..

-ano.. kasi..

-ANO!?

-Kuya naman! Ako nagpapunta sa kanya kagabi dito!

-O? Tapos? Anong ginawa niyo kagabi!?

-Ano po. nakatulog po sya tapos may kikuha po ko sa ilalim ng sofa kasi hinal.. este... nahampas niya ko. tapos bumagsak sya..tapos ayun po.. you know the rest po.

tumingin yung kuya ni white lady sa kanya tapos tumango lang si ericka at prang magic, kumalma yung kuya niya. Tumingin lang to sa wall clock nila at tumingin ulit sakin.

-So you mean to say na mula kagabi, nang dahil sa babaeng to... wala ka pang tulog?

Nakakatakot talaga yung boses niya at ang talim pa ng tingin niya sakin kay mabilis akong tumango..

-Okay.. Umakyat ka na.

-bye chase.

umakyat si white lady na hindi makatingin sakin tapos yung kuya naman niya wagas tumingin sakin. Magpapaalam na sana ko pero naunahan akong magsalita ng kuya niya.

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon