Chapter 62: Mine

290 19 45
                                    

Hirap na hirap akong i-publish to. Takte, ang haba. Magcomment kayo! Give me some lovin. Astig may mkabernard pa rin <3 Hahahaha- Goodnight mga fre. Online mga supreme ngayon, add niyo. Ge- Lay

_________________________

The next morning, hindi ako pinansin ni fey. It was like I am invisible to her. It was like being actually dead. Panay yung lapit ko sa kanya pero panay yung layo niya.Ganun kami for almost half the day at takte it’s driving me crazy. Ilang oras na lang ibabalik ko na sya sa Manila pero ganito pa rin kami.

“Iniiwasan mo ba ko?”

“Ha?”

“Don’t pretend as if you’re not fey. Bakit mo ba ko iniiwasan?!”

“Hindi kita iniiwasan.”

“Ano ba fey? Mababaliw na ko sa ginagawa mo.. May naga---“

“I just don’t see why I always have to be around you.”

Nabitawan ko yung kamay ni Fey sa sinabi niya. Ang lamig lamig ng pagkakasabi niya sakin nun. Para bang biglang bumigat yung pakiramdam ko.Napatitig lang ako sa kanya nun and she was also looking at me. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng tingin niya sakin. Pero pakiramdam ko every second is killing me.

“Kuya J, ano… dota tayo?”

Napatingin kami kay nikko. Anak ni ya. 13 years old na sya at nung huling punta namin ni fey dito sya yung pinakaclose niya.

“Sali ka ate Ericka, may promise ka pa sakin diba?”

“May… may gagawin kasi…”

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon