Chapter22: Almost there

634 21 6
                                    

(before i start the update, reminder lang po. Patay na si fem :P)

____________________

pagdating namin sa star city, tuwang tuwa si ericka. Talon nga sya ng talon eh, tapos hinila niya agad ako papasok sa loob. hawak hawak niya lang yung kamay ko habang tuwang tuwa syang naglalalakad.

-Bernaaaard. Sakay tayo dun.. Sige na.. Hindi pa ako nakakasakay dun..

naalala ko lang bigla yung kwento niya sakin, bawal sya sa mga extreme rides nung may sakit pa sya. hindi ko alam kung bakit pero hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya. Parang ayokogn pasakayin sya sa mga ganun. Alam kong wala na syang sakit pero natatakot pa rin ako sa pwedeng mangyari.

-pwede bang kahit saan, wag lang yun. yun, yun at yun?

Tinuro ko sa kanya yung roller coaster, anchors away, at dalawa pang extreme rides. Alam ko magaling na sya pero i don't want to risk it. Napasimangot naman sya nun tapos hinila niya yung kamay niya mula sa mahigpit na paghawak ko tapos nag cross arms pa sya.

-Lagi niyo na lang pinapamuka na hindi ko kaya.

Parang medyo nasaktan ako para sa kanya sa sinabi niya.. Gusto ko sya biglang isakay dun pero kahit anong gusto ko, hindi ko kaya.. Ayokong mawala sya. Nginitian ko na lang sya tapos hinawi ko yung buhok na nilipad sa muka niya.

-Wag na ericka.. ha? Iba na lang.. Please.

-Pero gustong gusto kong makasakay sa ganun...

-Promise.. Pag okay na okay ka na.. Sasakay tayo dun.

-Gusto ko ngayon :(

tiningnan pa niya ko ng diretso sa mata nun with her puppy eyes on. Para nga kong natulala eh. Lagi ko na lang syang gustong halikan pag nagkakadikit yung mukha namin. Gising bernard -_-

-iba na lang please?

Nagbuntong hininga sya tapos naglakad na pauna. Alam kong pumayag na sya na wag sumakay sa ganun pero alam ko ring nagtatampo at masama ang loob niya. Humabol ako sa kanya at hinawakan ko sya sa kamay.

tiningnan niya lang ako nun tapos tiningnan niya yung kamay namin tapos ako ngumiti lang at naglakad. So to get it straight, holding hands kami at hindi sya pumalag. Grabe.. nung hinayaan niya lang yung kamy ko sa kamay niya, tuwang tuwa ako. Ang laki laki ng ngiti ko.. Para bang may something na gumalaw sa sikmura ko.

hinila ko ni ericka nun sa isang mahabang pila. Sa world of snow. Nung una ayaw ko pa kasi ang haba nga ng pila pero nagalit sya, sabi niya lahat na lang daw hindi pwede kaya in the end, pmayag na ko which is kinatuwa niya ng sobra sobra. binitawan niya na nga yung kamay ko nun eh pero nung pumayag ako, maya maya lang, sya yung humawak sa kamay ko. Napatingin nga lang ako sa kamay namin nun eh..

For a moment, hindi ako nakagalaw.

hinawakan niya yung kamay ko. hanggang sa makarating kami sa unahan ng pila medyo wala pa rin ako sa sarili. This is so unusual of me kaya tinapik tapik ko yung pisngi ko.. Gising bernard. 

-Uyy. Lagay mo na sa plastik...

Dun lang ako nagising ng tuluyan. Nilagay na namin yung mga gadgets namin sa plastik tapos nag abang pa ulit kami sa pila. Pag pasok namin dun, talon ng talon si ericka tapos tumakbo sya papalapit dun sa replica ng snow man. Samantalang ako, nilalamig agad. Takte. Alam ko nakapagspend na ko ng winter sa states pero ang lamig talaga.

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon