Hello!!!!!!
Ayon, so wala akong plot. Lagi naman akong walang plot pag gumagawa ako ng story ko pero sana mainitindihan niyo na bagong libro na to. Hindi ako sigurado kung babalik pa si jonel,
pero yun yung nasa isip ko. Bagong characters, bagong buhay, bagong story. Sana magustuhan niyo. Ayun.. thanks.
Kay fem?
Rest in peace.
________________________
"Everytime we say goodbye, I cry a little. Everytime we say goodbye I wonder why a little. A lot of people are great with hellos, but terrible with goodbyes. We have such a hard time saying goodbye even we we do it so regularly throughout our lives. To pets, classmates, friends, family members, neighbors, but we never get the hang of it. I guess the longer the time between hello and goodbye, the more difficult the goodbye." -Anonymous.
Apat na buwan lang. Maiksing panahon.
Apat na buwan ko lang napakita sa kanya na mahal ko sya.
Maiksing panahon pero para maging ganito ang lahat? Ang hirap.
hindi naman porket matagal na kayong nagsasama tsaka hihirap ang pag goodbye.
Mas mahirap pa nga kapag sandali mo pa lang sya nakakasama.
Dahil kayong nagkasama ng matagal, naparamdam niyo sa isa't isa yung pagmamahal niyo.
Pero kami? Wala. hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na iparamdam yun sa kanya.
Hindi.
At ngayon..
Iniwan niya na ko, pinaasa niya ko, sinaktan niya ko.
Mag isa na lang ako.. Lahat ng taong nakasama ko dati, nawala na.
Ayokong tumawa kasi hindi naman ako matutulungan nun.
Ayokong umiyak dahil mas palalalain lang nito yung nararamdaman ko.
Feeling ko guguho na yung puso ko, feeling ko gumuguho na yung buhay ko.
Kahit anong gawin ko, alam kong hindi matatapos tong nararamdaman ko. hindi matatapos tong nararamdaman ko sa puso ko, sa buhay ko at sayo.
Bakit nga ba hindi ako makawala sa sakit nato kahit alam ko namang tapos na?
Kahit alam kong wala na?
Bakit kung sino pa yung taong nawala at nangiwan sakin yun pa ang taong pinakamamahal ko pa rin ngayon. Ang taong nangako sakin na hindi ako iiwan, wala na. Ang taong nagsabi saking sasamahan niya ko hanggang dulo, wala na. Yung taong nagsabi na sabay naming haharapin lahat, iniwan na ko..
May mga panahon na aakalain mong okay ka na, hindi ka na nasasaktan pero kahit anong takbo mo, kahit anong tago mo darating pa rin ang araw na babalik at babalik lahat ng alaala,
lahat ng sakit, lahat ng tungkol sa nakaraan. At sa pagbalik nung alaalang yun, nung sakit na yun.. wala ka ng ibang magagawa kundi harapin ito. wala ka ng magagawa kundi ang madurog at ang masaktan.
Akala ng lahat madali.. ano nga ba naman ang apat na buwan diba?
Kung tutuusin isang buwan ko lang naman talaga sya napasaya. Kung tutuusin, lahat ng nangyari samin puro sakit. Hindi man lang kami nagkaroon ng pagkakataon na sumaya.
Pero sa loob ng apat na buwan na yun hindi lang naman sakit yung naramdaman ko. Naging masaya ko. Nakilala ko ang lalaking nagmahal sakin ng totoo. Lalaking alam kong hindi ako pinabayaan. Lalaking naging dahilan para maging masaya ko.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists