I Love That Weird Girl (Special Chapter: 2)

972 27 5
                                    

A/N: Another ILTWG Special Chapter guys. Keep safe! Stay healthy! Drink more water! Don't forget to vote and comment. Hahahaha.


I Love That Weird Girl

Special Chapter: 2


Mikay's POV


"Let's go on a date."

Halos mabuga ko ang iniinom ko nang sabihin iyon ni Ian. Kasalukuyan kaming naglalakad na pauwi galing school habang umiinom ako ng strawberry milk.

"Are you okay?" Tanong niya nang 'di pa rin natatapos ang pag ubo ko.

Tumango ako. Wait... kung mag de-date kami... ito yata ang magiging unang date namin as official couple?

"D-date..?" Tanong ko at pakiramdam ko ay umakyat ata ang lahat ng dugo ko sa mukha ko.

Ngumiti si Ian. "You know... after mo 'ko sagutin last Sunday hindi pa tayo nakakapag date because of school. Weekends lang ang free time natin and I want us to do something memorable as a couple."

Ian grabbed my hand. Nahiya ako kasi maraming naglalakad din kagaya namin na schoolmates namin.

Nang malaman ng buong klase na kami na ni Ian, maraming nag freak out na girls. Hindi pa rin naiwasan ang pangungutya ng iba. May mga masasakit pa ring salita akong natanggap pero okay lang... bakit ko ba sila iintindihin kung masaya ako kay Ian. Higit na mas lamang ako sa kanila dahil ako ang gusto ng taong gusto nila.

Medyo ang taas ata ng tingin ko sa sarili ko sa part na ito? Pero... syempre, medyo may kaunting kaba pa rin ako dahil hindi pa rin nauubos ang mga bully sa school. Kahit na alam kong may mga nagtatanggol na sa akin. Hindi sa lahat ng oras nasa tabi ko sila. Hindi sa lahat ng oras kaylangan kong umasa sa tulong nila. I have to do something for myself. Kaylangan kong tumayo na sa sarili kong mga paa. Gusto kong danasan na ako naman ang po-protekta kay Ian.

"Okay. Let's go on a date." Pagpayag ko saka ko siya binigyan ng matamis na ngiti.

"Okay then. On Saturday. Where do you want to go? And what do you want to do?"

"I... don't know. Ikaw ba?" Actually wala akong naiisip. Napakaboring ko talagang tao pero hindi ko mapigilan ang 'di maexcite sa darating na Sabado.

"Gusto ko ikaw ang masunod." Sabay nguso ni Ian. How cute! Feeling ko matutunaw ako. Oh, here we go Cherry Blossoms...

Kunwaring nag-iisip ako pero wala talagang pumapasok sa isip ko. Ano nga bang gusto kong gawin?

"Basta, kita na lang tayo sa Sabado." Iyon na lang ang nasabi ko at tumungo. Tinitigan ko ang magkahawak kamay namin dalawa. Bahala na... pag iisipan ko na lang until Friday night ang gagawin namin sa date namin.

"Okay. Kahit anong gusto mong gawin, it's okay to me." Sabay haplos ni Ian sa pisngi ko.

Bigla akong naconscious. Damn my pimples.

Nakarating na kami sa bahay at alam kong nasa loob na si Ate Miah.

"Pasok ka na inside. See you sa bintana." Hinagkan niya ang noo ko. Ganito na talaga ang gesture sa akin ni Ian simula nang maging kami. Hindi pa rin ako nasasanay. At hindi ko rin alam kung paano susuklian ang ganitong bagay na binibigay niya sa akin. Minsan inaatake ako ng anxiety. Paano kung sa sobrang boring ko e bigla na lang magsawa si Ian? Hindi malabong mangyari iyon.

"Mikay."

Napapikit ako sa pagpukaw sa akin ni Ian.

"You seems in deep thoughts. Okay ka lang ba?"

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon