CHAPTER 7 (Cherry Blossoms..)

17.2K 253 28
                                    

CHAPTER 7

(Cherry Blossoms..)

(A/N: Di po ako mapapagod sa pagsasabi ng paulit ulit sa inyo ng "maraming salamat" sa mga bumabasa ng shungang story na to. Lubos pong tumataba ang puso ko sa mga wagas na comments nyo at bukal sa loob na pag like at vote. Feeling ko nagiging obese na ang heartlalu ko. Nyahaha. De seryoso na po..lubos po akong natutuwa sa inyo dahil napapasaya o napapatawa ko kayo sa shungang story ko na to. Matanong ko lang, LOL po ba talaga ang story na to? Nyahaha. Joke lungs.

Uwaaa. Basta. Thank you thank you po ng marami sa mga readers! Weeee~ LOVE YOU ALL!!

-Gabrielle/Gab/Gabby/Yoshi/Yumi/Yow/Dear ii/Maree/Pare/Lola/Clown

Oh ha? Dami kong N-name. -______- Syeeet!)

(NP: Fallen For You acoustic version by: Princess Velasco)

(A/N: Pa play po ng song na yan para feel nyo ang ambiance ng chapter. Mehehe~ wala lang..nakyutan lang ako sa song na yan. Wee~ k, alis na me. -___- )

(Ian's POV)

Mabuti naman hindi na standing ovation ang drama namin ngayon ni weird girl sa bus na to. Nakaupo naman kami ng ayos..

Nirest ko ang head ko sa sandalan. Medyo napagod din ako ng bahagya sa librehang kalokohang to. Pero atleast nag enjoy ako at marami akong naexperience na masaya. Really, nagenjoy talaga ako, sa lahat ng hangouts na naranasan ko sa buong buhay ko together with girls, kay weird girl ako super nag enjoy. Kakaiba kasi ang mga nangyari, puro kaweirdohan lang at puro first time. Hehe.

At kay weird girl ko lang naramdaman na..parang gusto ko pang maulit ito..

Sana nga maulit pa to..ang saya e. (Yun lang nga ba?) Uy, ano yun? Multo ba yun? De wala yun. -_- Guni-guni ko lang siguro yun. Tss.

Okay lang kahit medyo nakakapagod atleast nag enjoy ako..

Na curious ako sa oras kaya tiningnan ko yung oras sa wrist watch ko. Mga quarter to 5 na pala. Medyo napahapon na kami ng uwi, kagagawan kasi nung kapatid ni weird girl e. Ulitin ba naman yung movie! =_____= Pero buti na lang di na tinapos kundi baka mangawit ng wagas ang leeg ni weird girl. Mag muka pa syang may epilepsy e. Hehe. Joke lang.

Buti na nga lang talaga at nakaupo kami ngayon..avoid na rin sa mga mukang pugitang manyakis. =___= Sa totoo lang..di pa kami nakakapunta kanina sa pupuntahan namin nag enjoy na kaagad ako sa bus pa lang. Kanina ko lang talaga naranasang sumakay sa bus na standing, may kotse naman ako pero bakit mas trip ko kaninang sumakay kami ni weird girl sa bus..

Wala, gusto ko lang maging unique ang date--librehang kalokohan namin. First time ko ring kumain ng fries na ang dip ay mayo, first time kong kumain ng ganung karaming fries, first time kong bumili ng weird thingy, first time kong kumain ng cup noodles sa loob ng sinehan at first time kong umakbay sa girl ng ganun! =______= 

Ganun pala ang feeling pag mga first time mo ang isang bagay..masaya kahit mukang weird!

Nasa bus stop na kami and nag i start na kaming maglakad pauwi. Tahimik lang sya at hindi nagsasalita. Medyo sanay na naman ako kasi ganyan naman sya kanina pa. Nakatungo lang habang naglalakad na kala moy nag aabang na may mapupulot na piso sa kalsada or magiingat na makaapak ng shit. Parang ganun lang e. Hehe. Ang gross ko na talaga pag minsan. Hay naku. -___-

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon