CHAPTER 55 (The Side of Danica)

9K 125 9
                                    

CHAPTER 55

(The Side of Danica)

(Gab’s Note: Sinong gustong maging operator ni Danica and Alex sa FB? I need male and female. Yung active mag OL tsaka hindi jejejejejejemonster! Hahaha. Sinong may gusto? :D Kindly PM me na lang. Sana may mag apply. Choss! XD)

(Ian’s POV)

What I am doing here?

Dapat nasa isang family lunch and dinner ako pero anong ginagawa ko dito? I don’t know to myself. Im insane. Alam kong pinahihirapan ko lang ang sarili ko sa mga pinag-gagagawa ko pero.. gusto kong makita kung ano bang mangyayari. Parang hindi ko pa rin kayang hindi makita si Michaela sa isang araw. Nasanay na akong lagi ko syang kasama.

Every weekends lagi kaming nagha-hang outs. Ngayon na nga lang hindi. Nakakamiss din yung mga araw nayun. Pero wala akong magagawa kung hanggang doon na lang kami. Tadhana na ang nagsasabi..

Nakasandal lang ako sa kotse ko, mga meters apart lang ng mini concert ng Sentinel. May kinakanta pa sila at madaming nag che-cheer sa kanilang audience. Pero wala sa focus ko ang pakikinig ng kanta nila, naka focus ako sa paghahanap ng taong rason kung bakit ako nandito.

Nasaan kaya siya? O tamang sabihin..nasaan kaya sila?

Aalis na sana ako para bumalik sa family dinner nang biglang mapatigil ako sa pagbukas ko ng kotse ko.

“Next song, requested from the audience again. Crazy little thing called love dedicated to her.. “topless guy”?”

Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko noong marinig ko yun.

Hindi ako nagkakamali. Endearment sakin yun ni Mikay dati. Nagsimula nang tumugtog ang Sentinel. Habang ako na stuck na sa kinatatayuan ko.

Madalas kong pakinggang ang kantang yun dahil dedicated ko yun kay Mikay..

(NP: Crazy Little Thing Called Love by Toni G. Play at the side. :) )

Bigla akong napangiti. Parang may humaplos sa puso ko na malamig. Parang nabuhayan ako ng pag-asa.. Nag request si Mikay ng song at dedicated sakin? Hindi ba ako nagkakamali?

Bago pa matapos yung kanta tumakbo na ako papunta sa audience. Gusto ko syang makita. I want to talk to her. Maraming tao kaya pahirapan akong pumasok sa loob. Open gate naman na kaya nakapasok ako without the damn ticket.

Kaso.. noong makita ko ang likod ni Mikay..

Parang gumuho ang pag asa ko. Likod pa lang ni Mikay kilalang kilala ko na. Hindi ako nagkakamali sa nakita kong dalawang taong magkahawak kamay..

Nakakapag sisi. Sana hindi ko na lang siya hinanap kung ganyan rin lang naman ang makikita ko. Hindi ko na nagawang lumapit sa kanya. Napa atras na lang ako then I left the concert. While hurting..

Masama na naman ang loob ko sa nakita ko. Panandalian lang akong naging masaya. Inasahan ko na sa simula pa lang bago ako pumunta doon na baka masaktan na naman ako sa makikita ko. Heto’t nangyari nga. Tanga ko rin naman kasi. Potaena.

(Danica’s POV)

Hindi nga ako nagkakamali..

Nandito nga siya. Kakatapos lang namin ng family ko at family niya na mag lunch nang mag paalam sya samin na may pupuntahan lang siya saglit. Hindi nga ako nagkamali na ito ang pupuntahan niya. Para saan?

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon