CHAPTER 6.1

19.4K 279 44
                                    

CHAPTER 6.1

(Crazy Date)

(Michaela's POV)

Ano kayang isusuot kong damit?

Actaully 15 mins ago na akong natapos mag shower and till now hindi pa rin ako nakakapag decide kung anong isusuot ko. Takte naman oh! Teka..di naman to date ah. Kaya dapat simple lang yung isuot ko.

Pero.. Wala akong kaalam alam pag dating sa mga ganitong bagay! Tsaka wala akong magandang damit e. Puro mga simpleng blouse lang ang t-shirt ang meron ako dito. Never din naman ako nag i-skirt! Puro pants and jeans lang ang meron ako dito. Las-las na. Bigti pa.

Help me! Help me! Anong isusuot ko?

Idepende ko na lang kaya kung ano ang suot niya? Pero bonggabells ang porma niya e. Pano ba 'to? Ang hirap. Pero teka, ano nga ba ang suot niya?

Naka bonnet siya tapos.. naka yellow na checkered shirt. Tapos.. Basta ang gwapo niya! Nakakahiya ako pag tumabi ang isang panget na tulad ko sa kanya.

Tss.. ito na nga lang. Wala akong maisuot e.

Nagbrush lang ako ng hair at nag apply ng konting powder sa face. Wala akong alam sa pag me make-up kaya wag nyo kong hanapan ng kaartehan.

Kontento na ako sa ganito. I check my money kung may panlibre ba ako o wala. May tumatagingting na two thou ako sa wallet kaya siguro okay na to. Sana naman hindi siya matakaw ano?

Pero saan nga pala kami pupunta? Wala pa akong ka ide-idea e. Tsaka, mag la lunch ba kami sa resto o hindi? Ipagshoshopping ko ba sya o ano? Dyusko! Di ko alam! Wala akong alam pag dating dito! Las-las na talaga! Fail ako pag dating sa mga ganitong bagay.

Sana naman hindi siya turo dito at turo doon. Baka pulubihin ako ng topless guy na yun.

Promise, after this di na ako lalapit sa kanya or makikipag usap. Ayokong mapalapit sa kanya dahil na weweirdohan ako sa tagadug-tagadug ng hartlalu ko e.

Nilagay ko na yung wallet ko sa munting skull na bag pack ko.

Yeah, I love skull, scary things at yun lahat ang naka print sa mga damit at things ko. Ewan ko kung bakit ako nahilig sa mga ganun. Ang kyot kasi e. Collections ko na rin ang mga ganung bagay, dun kasi ako masaya. Kaya mamahalin kita ng wagas kapag binigyan mo ako ng weird stuff! Yay!

Okay, lalabas na ako ng room ko.

Actually pag mga ganitong oras nasa layasan ang dalawa kong kapatid. Ako lang always ang natitira sa bahay kasi hindi naman ako lumalabas. Lumalabas lang ako kung kinakaylangan gaya nito.

I think mga gabi pa ang uwi ng dalawang yun..kaya free na free ako saibabatong tanong sa akin dahil himala at lumabas ako ng bahay na ganito ang hitsura.

Well, ano bang hitsura ko? Wala, simple lang ang suot ko. Magpapalibre lang naman ang topless guy na yun e and hoping na sana hindi sa mahal na resto siya magpalibre kundi papalapa ko na talaga siya sa mga zombies.

"Ang tagal mo naman. Kanina pa akong nagiintay sayo dito e. Ang init init ng sikat ng araw oh."

"Pasensya na po ah." mainit daw? E nasa loob nga siya ng balcony namin e. Ang arte lang. Teka, nakapasok siya dito ng hindi tumatahol si Barky?

Nag panic ako. Kasi once na may taong dumating wagas na ang tahol ni Barky pero bakit hindi ko ata narinig na tumahol yun? Halaaa..baka nakalabas ng bahay?

"Oh? Nanyare sayo? Bat hindi ka mapakali dyan?"

"Si Barky!"

"Sinong Darky?"

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon