CHAPTER 35 (Kilig Much!)

11.6K 169 25
                                    

CHAPTER 35

(Kilig Much!)

(Mikay's POV)

"I'm sorry. Sorry talaga.."

Yung feeling na..muntik na akong mawalan ng pag asa?

Buong akala ko talaga hindi na siya dadating..nagkamali ako. Heto sya ngayon, nag so-sorry.

Super nagulat talaga ako nung biglang may yumakap sakin. Mas nabigla pa ako nung mapagtanto ko na si Ian pala yun.

Yung puso ko, parang nagwawala sa loob ng katawan ko. Parang tangeks lang. Siguro dahil sa saya lang kasi dumating sya kahit napakalakas ng ulan.

Heto't sumilong na kami sa loob ng 7/11. Napakalakas pa rin kasi ng ulan sa labas. Tuwing hapon nalang kasi umuulan..

"Tinatawagan kita kanina. Kaso nakapatay ang phone mo.."

Pinupunasan ko nun ang mga braso ko kasi medyo nabasa nung tumakbo kami papunta dito. Kaya bigla akong napalingon sa kanya nung bigla syang nagsalita. Kanina pa kasi kaming hindi nag iimikan simula nung pumasok kami dito.

"Nag empty batt kasi ako kanina."

Nag empty batt ako kakatext sa kanya. Tss. Ang dami ko nang text sa kanya e. Di ko na mabilang.

"Ah, ganun ba."

Nakakabinging katahimikan kahit napakalakas ng sound system ng 7/11 parang sobrang tahimik pa rin. Natatawa pa ako kasi Gangnam Style pa ang music dito. Syet. Ang awkward tuloy ng sitwasyon. Pano ba itey?!

Tinatawagan pala niya ako kanina e..

Dito lang ako natatawa..

Di nya pala ako matitiis!! Yiiii~ kilig much ang panget. Nyahaha. XD

Parehas lang kaming nakaupo at tahimik. Si Ian pinagmamasdan ang ulan sa labas. Ako naman nakikiramdam lang kung ano ba ang gusto nyang sabihin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya sa mga oras na ito. At gusto kong malaman kung ano yon.

Bumuntong hininga siya..

Tapos tumayo sya. Saan kaya sya pupunta? Sinundan ko na lang sya ng tingin tapos nakita ko na pumunta sya sa may counter.

Baka may bibilhin lang na kung ano. Humalumbaba nalang ako at pinagmasdan ang malakas na ulan sa labas.

"Di ba gusto mo mag ice cream?"

Napatingin ako sa tabi ko. Nakita ko na inaabot na pala sakin ni Ian yung fundae vanilla cone. Tapos yung kanya mix ng vanilla and chocolate. Daya! Mas gusto ko yun e. >.<

"Hmm..mas gusto ko yang mix."

Napatingin naman sya sa isang hawak niyang ice cream at yun ang ibinigay sakin. Saraaap talaga ng fundae ng 7/11. 

Yun, kumain kami ng ice cream kahit ang weird ng panahon. Kahit umuulan ng malakas natuloy pa rin talaga ang pag a-ice cream keme namin. Hihi.

"Ian.."

Tumingin sakin si Ian. "Hmm?"

"Wag ka na ulit magtatampo saken ha?"

Bigla syang napatawa. "At sinong may sabing nagtampo ako sayo? Let me explain, kanina kasi I dunno kung bakit hindi ako maka send. Kaya di ako makareply sa mga messages mo. And then, nakatulog ako kaya hindi ako nakarating agad. That's my reasons."

Ooooh! Ako lang pala ang loka-lokang nag assume. -__- Assuming talaga ako kahit kelan. Kung ganun hindi pala sya nagtampo saken? :D Baka na banned lang ang sim nya kaya hindi sya makasend.

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon