CHAPTER 61 (Human Pillow)

8.9K 128 11
                                    

CHAPTER 61

(Human Pillow)

(Alex's POV)

Dali-dali akong pumunta kina Micha. Kumusta na kaya sya? Okay na kaya sya? Kanina tinatawagan ko sya pero hindi niya sinasagot. Siguro tulog sya. Mas mabuti na yun para makapag pahinga na siya.

Nandito na ako sa bahay nila. Ang dilim ng buong bahay. Hindi pa pala nakakauwi ang mga kapatid niya. Kawawa naman si Micha. Mag-isa lang sa bahay buong hapon.

"Arfh! Arfh!"

"Oh, Barky!"lumuhod ako para mapantayan ang taas ni Barky at hinimas ang mabalhibo niyang ulo. "Kumusta? Binantayan mo ba ng mabuti si Micha?"

"Arfh! Arfh!"

"Good boy." ang lambing ni Barky. Medyo malakas din sya kaya nung pagdamba ng kamay niya sa unoform ko nagkadumi. Di bale na, wala na namang klase. Nagka foot marks tuloy ng aso.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. As I said, madilim. Nanghula pa tuloy ako kung alin bang ilaw ang para sa dining area at kitchen. Nabuksan ko naman ang lahat ng ilaw.

Dumeretso na ako sa kwarto ni Micha. As I expected, tulog nga siya. Chineck ko ang phone niya. Puro missed calls at unread messages. Okay, mas marami ang kay Kuya Marco. Nag wo-worry talaga sya sa kapatid niya.

Tulog na tulog si Micha.

Wala rin akong balak na gisingin sya. Mas mabilis syang gagaling kung tulog sya.

Inayos ko ang kumot nya pati na rin yung unan na nagpatak sa sahig.

Namumula ang pisngi ni Micha tapos ang dry din ng lips nya. Kawawa naman siya.

Hinawakan ko ang nuo niya. Medyo hindi na mainit. But I'm sure na masakit ang ulo at katawan niya.

"Pagaling ka Micha.."

Yakap yakap niya si Emily. Aba, matagal na rin yang scary doll nya ah. Good thing at maganda pa rin si Emily. Alagang alaga talaga ni Micha si Emily..

Kaya sng sarap mahalin ni Michae e, napaka caring niya.

Inayos ko na yung prutas na binili ko para sa kanya. Nang marinig kong bigla syang nagsalita.

"I-Ian..I-Ian.."

Sa narinig kong iyon, nabitawan ko yung mansanas na hawak ko. Ilang beses ba sinabi ni Micha ang pangalan ni Ian? Kaya ayokong paniwalaan ang sarili ko na nagkamali lang ako ng dinig. Klarong klaro sa tenga ko ang pangalan ni Ian..

"I-Ian..bati na tayo oh.."

Micha..mahal mo ba si Ian?

Napatawa na lang ako sa sarili ko. Tinanong ko pa e alam ko naman yung sagot.

Kinuha ko na lang yung cellphone niya para kuhanin yung number ng taong hinahanap niya para tawagan.

After ko syang makausap, lumapit ako kay Micha.

"Pupuntahan ka niya. Wag kang mag-alala.."

Hindi ako ang kaylangan niya kahit ako ang nasa tabi niya.

Ang sakit lang.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinagkan iyon.

"Wait him..I told you before. I will do anything for you just to make you happy. Kahit na nasasaktan ako, maging masaya ka lang."

Binitawan ko na yung mainit niyang kamay at umalis na sa bahay nila..

(Ian's POV)

"If you would ask me to love you..I'll say yes.."

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon