CHAPTER 48 (East or West)

9.7K 181 23
                                    

CHAPTER 48

(East or West)

(Ian's POV)

Nabasa na kaya nya yung sulat?

Dahilan kung bakit hindi ako makatingin sa kanya ng ayos kanina kapag kinakausap nya ako dahil tungkol doon sa sulat. Sa palagay ko hindi pa nya yun nababasa kanina. Kaya medyo nakahinga ako ng maluwag nung hindi nya inoopen ang tungkol doon.

Bwiset. Kanina pang umaga ako kinakabahan sa magiging resulta..

What if..

Argh. Damn. Hindi ko alam..

Napagkasunduan namin ni Alex ang tungkol doon kanina at sabay din kaming naglagay ng sulat kay Mikay sa locker niya kanina.

Buo na ang disisyon ko na sabihin kay Mikay ang nararamdaman ko para sa kanya bukas. At pagkatapos noon, sasabihin ko rin sa kanya na liligawan ko sya kahit hindi ko alam kung paano manligaw. Never ko pa kaya ginawa yun. Babae ang nanliligaw sakin dati. -__- Di bale na, nag search naman ako kung paano manligaw. Hehe.

Grabe, kinakabahan talaga ako. Tae naman oh. -__- Ang hirap palang ma inlove. Hindi ata ako makakatulog ng lagay na to. Buong araw ito ang nasa isip ko.

Pinatugtog ko yung song na pinakikinggan namin ni Mikay kanina.

(NP: James Dean and Audrey Hepburn Acoustic)

Ang ganda nga nung kanta.

Mananatili ako sa tabi ni Mikay habang buhay. Kung mananatili rin ba si Mikay sa tabi ko? Hindi ko alam..pero gusto syang manatili sa tabi ko habang buhay..

"They say that love is forever, your forever is all that I need. Please stay as long as you need. Can't promise the things won't be broken, but I swear that I will never leave..please stay..forever with me."

Please Mikay..ako sana ang piliin mo bukas..

Ako sana..

(Miah's POV)

As I expected..

Ganyan nga ang magiging hitsura ni kapatid. Matakaw yan, pero ngayon halos hindi nya maibo ang pagkain nya. Alam kong malalim ang iniisip nya.

Siguro ngayon, nahuhulog na sya sa malalim na pag iisip kung sino ang pupuntahan nya mamaya.

Si Alex? O si Ian?

Remember, isa akong stalker. Correction. Isang magandang stalker. XD Pagkatapos nung deal ni Alex and Ian sa rooftop kahapon ng umaga sinundan ko na sila. Hanggang sa paglalagay nila ng sulat sa locker ni kapatid. At pagkaalis nila, ma-turn off na kayo sa akin pero binasa ko kung ano ang nakasulat doon.

Aaaah. Ayos din ang kalokohan ng dalawang kumag. East and West. Sino ang pupuntahan ni kapatid?

Malaki ang magiging pagbabago oras na makapagdesisyon si kapatid. May isang masasaktan, at may isang magdidiwang.

Pag-isipan mong mabuti ang magiging disisyon mo kapatid. At siguraduhin mong hindi mo pagsisisihan ang magiging disisyon mo.

At syempre, gagawin ko na ngayon ang isa sa mga Letse Plan ko. Yes, I have a lot of letse plans. At ngayon pa lang ako magsisimula. >:)

Tutal, si kapatid ang toka ngayong umaga sa paghuhugas ng pinggan. Grab ko na tong opportunity na to na makausap sya. Good thing nasa kwarto na si Kuya Marco at nagrereview. After graduation kasi nila pupunta na sya sa London for the job offered sa isang famous restaurant. Ang galing ni Kuya Marco. Anyway, balik tayo kay kapatid.

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon