CHAPTER 63 (The LETSE PLANS)

8.3K 167 14
                                    

CHAPTER 64

(The LETSE PLANS)

(Miah's POV)

Ay grabeee! Nakakaloka! I'm so magaling talaga and at the same time ang ganda ko rin. Choss! XD

Hihihi. Kaylangan kong itago ang video na itey! :D hindi man niya inamin pero alam ko kung ano ang totoo sa sagot niya.

One down! Si Ian na lang ang hindi pa. Grabe, salamat sa kagagahan ni Danica! Nalaman ko tuloy kung ano ba ang tunay na nararamdaman ni kapatid para kay Ian.

Hay nako Danica. Naghukay ka ng sarili mong libingan.

Sa tingin ba ni Danica mananalo sya sa ginawa niya? Palagay ko hindi. Engagement pala ha? Ang tanong..papayag pa si Ian?

Ahihi. Kawawang Danica oh. XD Hay, I'm strawberry blackberry bad na talaga. E si Danica e, akala niya maganda yung ginawa niya. Narealize tuloy ni kapatid kung ano ang tunay na nararamdaman niya para kay Ian. :D

Ayos na ayos talaga ito.

Sabi ko na e. May maidudulot na maganda itong pang i-stalk ko. Ahihi. Kahit na makati ang wig na ito, keri lang! :D May maganda namang nangyari.

At buti na lang, hindi nasira tong video cam ko. Kaloka! Ang eng eng din ni Danica e. Hindi tumitingin sa dinadaanan kanina. Punyetera. Muntik na tuloy ako mahuli.. -.-

Tinanggal ko na yung makapal na red lipstick sa labi ko. Grabe, feeling ko ang kapal ng labi ko.

Sa totoo lang hindi biro tong ginagawa ko no. Ang hirap kaya gawin nang letse plan ko.

Anyway, gusto nyo na bang malaman kung ano talaga ang MGA letse plans ko? Oo madami. Hindi lang isa okay? Wag tanga ha? Nakakainit ng bangs e. -_-

Sige na nga sasabihin ko na. Ang ganda ko e.

Letse Plans:

-Paaminin ang mga SHUNGA at dispatsahin ang mga EPAL.

-Patigilin sa pag lalaro ng tagu-taguan dahil hindi na sila bata para mag laro.

-Naglalaro sila ng tagu-taguan. Taguan ng FEELINGS. At higit sa lahat..

-Puksain ang virus na tinatawag na PRIDE.

Oh di ba? Bongga? Ang ganda ko e. Ooph! Wag kayong mag sawang ipamuka ko sa inyo na maganda ako. Anong magagawa ko e TOTOO namang maganda ako? Tss.

At kahit anong disguise ko, ang ganda ganda ko pa rin. Hihi. Ang sakit lang sa paa ng suot kong heels. T__T

Lakad pati ako ng lakad kakasunod kina kapatid at Danica kanina. Aruuy, dapat pala nag flat shoes na lang ako. Ang hirap nilang sundan ha. Nakakagutom din. Syet lang e, buti na lang hindi nababawasan ang kagandahan ko.

At heto pa pala..

Ang sarap sabunutan ng hard ni Danica.

Tsk lang talaga. Ang lakas ng trip nya huh! Akala niya hindi ko magegets ang ang trip nya?

Nag pablack sya ng hair tapos nagpa full bangs pa!

Ginagaya nya ba si kapatid? >:|

At heto pa ha. Same pa sila ng suot na damit! At pati ba naman sa bunny hair band?!

At etong kapatid kong makitid ang utak, hayun. Parang shunga. Palibhasa hindi nagkaroon ng matagal na kaibigan kaya paniwala lang sya na okay lang ang ginagawa ni Danica.

Alam kong sinadya yun gawin ni Danica. Ginagaya niya si kapatid para..

Para baka sakaling mabaling ang tingin sa kanya ni Ian.

Ginagamit talaga ni Danica ang utak niya.

Pero sa ginagawa niya, naghuhukay talaga sya ng sarili nyang libingan.

Kaya hindi imposibleng mabigla si Ian noong makita silang dalawa na halos parehas mula ulo hanggang paa.

Sinadya talaga yun ni Danica, para makita ni Ian na mas angat sya kesa kay kapatid.

Well, tingnan na lang natin Danica. Tingnan natin. >:D

Ang gusto ko lang malaman kung ano ang iniisip ni Ian ngayon.. Parehas kaya kami?

I hope so.

Buti na lang may video ako. :D Sa pamamagitan nito makakatulong ito ng malaki para sa mga letse plans ko. Bwahaha.

Haaay, nakakaexcite naman tong ginagawa ko. Sinasabi ko talaga. Masama akong maboring. >:D

Kahit muka akong baliw sa ginagawa kong ito masaya naman.

Basta ang alam ko..makakatulong ako sa ginagawa kong ito.

Ang ganda ko e.

Angal ka? Batuhin kita ng stiletto ko gusto mo? t-____-t

(Gab's Note: Thanks for reading. Wag nyo kalimutan mag vote and comment ples? :D)

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon