Chapter 37

252 11 0
                                    

Hot Point Of View

Nagising ako na magkatabi kami ni Cold. Naka yakap kami pareha tsaka naka dantay ako sa kanya

"Good morning" bati ni Cold

"Woah!" Sabay tayo sa kama

Nagulat ako kaya napa tayo agad ako sa kama na halos maout of balance ako. Na naka tapis sa akin ang kumot

"Anong ginagawa mo sa kama ko?" Gulat na sabi ko

"Naka higa? Natulog katabi mo" seryosong sabi ni Cold

Napa hawak ako sa katawan ko. Ramdam tsaka kita ko na wala akong t-shirt. Napa tingin din ako kay Hot na wala rin t-shirt

"Bakit wala kang t-shirt or sando at kahit na anong pang itaas?" Sabi ko

"Naiinitan ka kagabi kaya hinubad mo ang t-shirt mo at ako naman sanay na walang t-shirt kung matulog" ang sabi nya

Napa tingin din ako sa loob ng naka tapis sa aking kumot

"Haaayyy!!! Salamat. Huuu...akala ko wala akong boxer short" naka hingang mabuti na sabi ko

Napa upo ako sa study chair ko at naka hinga ng malylu.wag sa nakitang may suot na boxer short

"Wala akong ginawa sayo. Na tulog lang tayo tsaka ikaw pa nga ang nagpatabi sa akin dito sa kama mo. Ang sabi mo huwag akong umalis" explain nya sa akin

Tuloy lang si Cold sa pagsasalita at ako naman ay inalala ang kagabi na naglasing kami

"Oh! Ano? Hindi mo maalala? Lasing ka lang kagabi kaya pinatulog mo ako dito sa kama mo tsaka ano? ang lahat ng pinag-usapan natin naka limutan mo na? Lahat ng iyon wala ka ng maalala" pagpapa alala ko sa kanya

Parang question mark lang ang mga pinagsasabi nya kasi hindi pa nagfufunction ang utak ko. Inaantok pa yata or lutang pa

"Bakit hindi ka maka sagot? Hindi mo na talaga maalala? Wala kang maalala" Parang malungkot na sabi ni Cold

Inisip ko maigi at binalikan ang nangyari kagabi mula sa pag-uwi

Naalala ko na umuwi ako ng may dalang alak kagabi. Pagkatapos ay inalok ko sya na uminom ng alak tsaka nagtruth or drink kami

Lahat naaalala ko na. Lahat ng mga tinanong nya. Lahat ng tinanong ko tsaka lahat ng sagot nya. Lahat ng sagot ko naalala ko. Kahit yung pagtanong ko kung ano ang sinabi nya sa dalawang pervert pati na rin ang sagot nya sa tanong ko about sa dalawang pervert ay naaalala ko. Maski rin yung pagtanong ko sa kanya kung may nangyari sa amin nung isang beses na nalasing ako at ang sagot doon sa tanong ko ay naalala ko. Habang inaalala ko ay sya naman nagsasalita

"Sabagay hindi na ako magtataka kung wala kang maalala about kagabi" sabi ni Cold

"Naalala ko. Lahat naalala ko kagabi" sure na sabi ko

Hindi sya naka pagsalita. Marahil na bigla si Cold sa sinabi ko

"Oo. Tama ang narinig mo. Naalala ko lahat. Kahit yung pinatulog kita. Na sinabi ko na huwag mo akong iwan. Naalala ko rin iyon. Yung sinabi mo sa dalawang pevert na halimaw. Naalala ko. Lahat naalala ko" pag-aasure na sabi ko

"Buti naman kung ganon" sabay tayo nya

Nagtaka ako kung bakit tumayo sya agad

"Saan ka pupunta?" Pagtataka ko

"Magluluto ng breakfast. Bakit hindi ka ba nagugutom?" Sabi nya habang naka lingon sa akin habang naglalakad patalikod na patungo sa kitchen

Cold and HotWhere stories live. Discover now