Chapter 45

213 12 1
                                    

Hot Point Of View

Pagpasok ng kuwarto namin

"Kahit kailan ang lakas mang asar ni Dean. Buwiset talaga sya. Asar" inis na sabi ko

Naabutan ko si Cold nag-aaral sa kama nya. Naka sandal sa may uluhan. Hindi ko muna sya pinansin. Baka maistorbo ko sya. Umupo ako sa kama ko. Tinignan ko lang sya

"Bakit ka naka titig sa akin" pagtatakang tanong ni Cold sa akin

"Napansin ko lang na tanghaling tapat nag-aaral ka na" pansin  na sabi ko

Tinignan nya ang watch nya sa may risk nya

"10 pa lang naman. Wala pang 11 or 12 ng tanghali kaya pwede pang magstudy tsaka ang dami ko pang rereviewhin" ang sabi nya

"Ah!" Parang hindi maka paniwala or parang pag-oo ko na lang

Bumalik sya sa pagbabasa. Ako eto naka upo lang walang magawa. Pagkatapos ay muling nagsalita si Cold

"Mag-aral ka na muna. Habang hindi pa tanghalian" sabi ni Cold habang nagbabasa sa notes nya

"Mamaya na lang. Wala pa ako sa mood" tinatamad na sabi ko

Hindi na sya nagsalita pa. Nagbuntong hininga ako dahil wala ako magawa

"Haaayyy!!!" Buntong hininga

Nagpatumba ako sa kama na parang nagpapako sa kruss. Naka taas kasi ang magkabilaang kamay ko

"Tinatamad naman ako mag games sa cellphone" sabi ko

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para magtext kila Dean at Fire. Ngayon ay hawak-hawak ko na cellphone ko. Dahil naka higa ako itinaas ko ang cellphone ko para makita ang itetext ko or ang ginagawa ko. Naka ready na itong buksan pero tinatamad ako

"Ayokong kausap si Dean at fire. Tinatamad din ako kausapin sila" sabi ko

Nanahimik ako. Itinabi ko na lang sa may side ng kama ko ang cellphone. Dahil naiinip ako

"Nakaka tamad naman" parang inis na parang tinatamad na sabi ko

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Tinignan ko si Cold bising-bisi sya sa pag-aaral. Pagkatapos ay tumingin ako sa kisame. Nag-isip na wala naman iniisip. Ayaw kasi gumana ang isip ko or ang utak ko. Parang ang sinasabi ng utak ko ay matulog. Pumikit muna ako. Hanggang sa Naka ramdam na ako ng antok.

"Haaahhh" hikab ko

Matutulog na sana ako. Ng biglang may pumasok sa isipan ko

"Magpalaway sa kamay tsaka sa talampakan?" Mahina kong sabi

Napa tingin ako kay Cold habang naka higa

"Tssskkk" sabay iling ko

Napa iling sa naiisip ko

"Ayoko talaga. Nakaka diri" na didiring sabi ko

Napa ngiwi ako dahil sa na didiri ako

"Kapag hindi ko naman ginawa. Hindi ako makaka tulog. Hindi ko masusubukan kung effective nga" nag-aalinlangan na sabi ko

Napa isip ako kung anong susunod

"Oh! Pagkatapos? kung effective naman masarap ang tulog ko. Hindi ko mamalayan kung umalis ba sya. Hindi ko makikita kung ano ang ginagawa nya. Baka mamaya nakiki pagtext or chat na si Cold sa unggoy na si Frederick" hinala ko

Cold and HotWhere stories live. Discover now