Chapter 50

203 16 0
                                    

Hot Point Of View

Pagbalik ko sa bench galing locker room

"Oh! Na saan na si Star at Charm?" Tanong ko

"NagC.R muna" sabi ni fire

"Ah! Ok!" Sabi ko na lang

Dahil naka bihis na sila ng uniform ay hindi ko na sila sinita pa. Inilagay ko ang damit kong pinaghubaran sa bag at habang inilalagay ko ito ng magsalita si fire

"Oh! May Star na. May Charm pa. Ang kulang na lang si Cold" sabi ni fire

"Oo nga nuh! Sayang wala si Cold dito" pang hihinayang na sabi ni Dean

"Magsitigil nga kayong dalawa. Ang pagtuunan nyo ng pansin ay ang kasama nyo na si Star at Charm at hindi ako ng lagi nyong napapansin tsaka i'm sure hindi pupunta yun" masungit kong sabi

Umupo ako sa bench. Kahit kakaupo ko pa lang ay narinig ko ang sinabi ni Dean

"Ang sungit mo naman. Kahit kailan ang moody mo. Fire meron bang monthly period yan ngayon si Hot?" Parang pang aasar ni Dean

"Aba malay ko. Baka naiinggit kasi wala syang partner" pang aasar ni fire

"Hindi ako naiinggit. Mas okay ng wala akong kasamang ganyan para walang sakit sa ulo" singit kong sabi

Inilagay ko ang dalawa kong siko sa magkabilaang hita ko

"Sakit sa ulo? Hindi naman ah!" Sabi ni fire

"Okay sabi mo eh...hindi na ako kokontra sayo pero kung pumunta dito si Cold at manood ng practice game natin ngayon? Anong gagawin mo? Hot?" hindi na pagkontra at curious na sabi ni Dean

"Ang gagawin ko? ipagtatabuyan ko sya. Papaalisin. Sisipain papalabas" sagot ko

Hindi sila naniniwala sa sinabi ko

"Weh?" Sabay nilang sabi

"Hindi ako naniniwala sayo Hot" hindi naniniwalang sabi n fire

"Kaya mong gawin kahit maraming tao at kahit nandito si Coach?" Si Dean naman ang nagsabi

"Oo naman. Gusto nyo ipakita ko pa sainyo tsaka eto masasabi ko sa sainyo" mabilis kong sabi at pagpapatunay ko

Pinalapit ko sila sa pamamagitan ng pagsenyas ko sa aking kamay na paulit-ulit. Tumingin sila sa isa't-isa pagkatapos ay tumingin sila sa akin

"Tara bilis" pagmamadali kong sabi sa kanila

Agad naman silang lumapit sa akin tsaka ko sinabi sa kanila

"Kung pag-untugin ko kaya kayong dalawa" naka ngiting sabi ko da kanila

Nagkatinginan ang dalawa. Pagkatapos ay tumingin sa akin. Sa tingin ko ay parang nag-usap sila na bago sila tumingin sa akin. Aayos na sana sila ng bigla ko silang kapitan sa leeg nila

"Walang ganyanan Hot hehehe..." naiilang na sabi ni fire

"Ikaw naman hindi mabiro hehehe..." naiilang din na sabi ni Dean

"Biro lang" natutuwang sabi ko

Aayos na sila ng tayo

"Yun pala eh...okay na yan" naiilang pa rin sabi ni fire

Cold and HotWhere stories live. Discover now