Chapter 19

286 13 0
                                    

Guy Point Of View

Nandito ako sa may gilid ng campus kung saan hindi ako makikita or mapapansin ni Cold.
Tulad nya ay nasa car din ako. Medyo malayo ako sa kanya tsaka nasa ilalim ng puno ang car ko

"Anong ginagawa nya?"

Hindi ko makita kung ano ang ginagawa nya dahil tinted ang glass ng car nya

"Kung tawagan ko kaya sya?"

Binunot ko sa pocket ko ang cellphone ko. Ng icacall ko na si Cold. Bigla akong napa hinto

"Huwag ko na pala sya tawagan"

Napa isip ako. Na parang nalilito

"pero kung hindi ko sya tatawagan hindi ko malalaman" sabay subsob sa manibela

Umayos ako ng upo tsaka nagdecide

"Bahala na nga" pag-aalinlangan

Pinasok ko sa pocket ulit ang cellphone ko. Tinignan ulit ang car ni Cold

"Bakit ang bagal ng takbo ng car nya?"

Tinignan ko sa unahan nya kung may kotse

"Wala naman. Pero bakit ang bagal nya magpatakbo"

Maya-maya ay tumambad sa akin si Hot. Naka upo sa may daanan ng harap ng campus or building. Kasama ang dalawa nyang kaibigan. Nagkukuwentuhan sila

"Si Hot na naman" inis na sabi ko

Napalo ko ng malakas ang manibela dahil naiinis ako

"Kanina lang sinusundan nya si Hot. Hanggang ngayon pa rin ba si Hot pa rin"

Sa sobrang inis ko napa mura ako

"What the fucking shit. Asar" sigaw ko

Gusto kong magwala pero hindi ko ginawa

"Wala ngang paki alam si Hot sa kanya. Hindi nga sya iniintindi nito. Kahit thank you sa bigay ni Cold na pagkain. Hindi man lang sya maka pagsalamat. Hindi nga nya maappreciate kung ano ang binibigay or ginagawa sa kanya. Pagkatapos ano? Si Hot pa rin ang iniintindi nya"

Gusto kong sipain ang harap ko pero hindi ko magawa kasi baka madisgrasya ako. Kinalma ko ang sarili ko tsaka tinignan kung ano ang gagawin ni Cold

"Ano na kaya gagawin ni Cold?"

Nasa harap na ang car ni Cold kila Hot

"Bababa kaya si Cold at kakausapin si Hot or hindi? Tititigan lang ba nya ito kahit nasa loob ng car sya?"

Ang daming tanong sa aking isipan. Kilos or galaw ni Cold ngayon ay hindi ko malaman.

"Kainis"

Hindi ko malaman ang gagawin

"Puntahan ko kaya si Cold tsaka katukin sya para malaman nya na nandito pa ako"

Pero nagbago ang isip ko

"Ay! Huwag na lang. Baka kung anong sabihin or baka sabihin ni Cold ay sinusundan ko sya"

Hindi ako maka pag-isip. Lagi na lang may pag-aalinlangan.

"Bahala na"

Lalabas na sana ako ng car ng biglang nakita kong dumeretso ng dahan-dahan ang car nya. Umistop ito sa di kalayuan kila Hot

"Eto na naman sya. Pasuspense sya. Ano na ba? Bababa ba sya ng car? Bakit umistop sya sa pagdrive?"

Napa hawak ako ng ulo ko. Binarush-up ko ang buhok ko. Tinitignan kung bababa ba si Cold. Pinapakiramdaman ko sya

"Ang hirap nito. Lalo pa hindi mo alam talaga ang gagawin ni Cold. Hindi ko makita kung ano ang ginagawa nya or kung ano ang facial reaction nya or yung feelings nya. Lalo na tinted pa ng car nya"

Nagulo ko ang buhok. Pinunasan ang pawis ng nguso ko. Inaantay ko sya kung lalabas sya ng car nya

"Huwag kang lalabas Cold. Huwag mong kausapin si Hot. Ayokong magka usap kayo. Ayokong magkabati kayo. Ayokong magka ayos kayo" baliw kong panalangin

Habang nanalangin ay pinapalo ko ang manibela. Sinyales na kinakabahan ako tsaka natetense. Dahil ang tagal kung ano ang gagawin ni Cold nagdecide na ako

"Bahala na nga. Pupuntahan ko na si Cold"

Inistart ko na ang car. Pinaliko ko na. Paandar na ako ng paabante. Ng biglang may bumusina. Nakita ko ang car sa likod ni Cold at nakita ko rin umalis na sila Hot

"Ay! Salamat hindi na ako pupunta kay Cold at mabuti na lang ay hindi kinausap or bumaba ng car si Cold"

Hindi ko na alam kung saan pumunta si Cold. Minabuti ko na lang na umuwi ng bahay at maglabas ng sama ng loob
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Waaahhhh...aaarrrggghhh..." sigaw ko

Nasa bahay na ako. Nagwawala ako sa sobrang galit ko. Ginulo ko ang mga gamit ko sa malaking salamin na may table. Wala akong paki alam kung may mabasag na gamit. Wala rin akong paki alam kung marinig ng mga maids ang sigaw ko at pagwawala ko

"Kainis. Kaasar" sigaw ko

Pinaghahagis ko naman ang mga unan ko

"Puro ka na lang si Hot. Si Hot. Wala kang ibang bukang bibig si Hot. Si Hot. Aaarrrggghhh.." galit na sigaw ko

Sabay punit tsaka pag-alis at paglukot ng picture ni Hot sa may dingding. Tumulo ang aking luha

"Cold bakit si Hot pa? Bakit hindi na lang ako?" Sabi ko habang umiiyak

Sinuntok ko ng tatlong beses ang pader dahil sa galit. Pagkatapos ay sumandal ako sa pader tsaka umiyak

"Bakit? Bakit? Bakit Si Hot?" Umiiyak kong sabi

Napa upo na lang ako at umiyak. Ng mapagod ako sa kakaiyak ay tumayo na ako. Nakita ko ang natitirang picture ni Hot na lukot na ng bahagya sa naka dikit sa pader

"Kasalanan mo kung bakit naibaling sayo ang attention ni Cold na dapat ay sa akin" galit na sabi ko

Sabi ko sa picture ni Hot na galit na galit

"Gagawa ako ng paraan upang hindi kayo maging close or magkasundo ni Cold" sabay tawa ko ng malakas na parang baliw

Pagkatapos kong tumawa ay umiyak naman ako at umupo na naka sandal sa pader....

Cold and HotWhere stories live. Discover now