Chapter 23

312 17 0
                                    

Cold Point Of View

Inabutan na kami ng tanghalian sa kakalaro. Ngayon ay nasa restaurant kami

"Anong sayo?" Tanong ni Dean kay fire

"Etong tempura. Ikaw Hot ano sayo?" Sagot at tanong ni fire

"Yung malaking lobster" tipid na sabi ni Hot

Nagulat ang dalawa sa sinabi ni Hot. Kaya napa tingin sila. Habang si Hot naman ay naka upo at cross arms lang

"Bakit? Anong problema?" Masungit na sabi ni Hot

Nag-usap ang tatlo yung mahina lang. Yung sila lang ang nakaka rinig pero rinig ko ang sinasabi nila. Kasi malakas ang pang dinig ko

"Seryoso ka Hot?" Tanong ni Dean

"Oo" tipid na sabi ni Hot

"Mahal yun" sabi naman ni fire

Hindi naki pag-usap si Hot ng mahina. Sinabi nya ito kahit naririnig ko

"Eh...ano naman" sabi ni Hot

"Ano ka ba umayos ka nga" pagsaway ni fire

"Oo nga nakaka hiya" nahihiyang sabi ni Dean

"Uhm" pag-oo ni Hot

Pagkatapos nilang mag-usap

"Pasensya na kayo. Nagbibiro lang si Hot" paliwanag ni fire

"Oo nga nagbibiro lang sya" pagsang ayon ni Dean

"Yun talaga ang gusto kong kainin" poker face na sabi ni Hot

Siniko ni fire si Hot kaya napa tingin sya kay fire. Para hindi sila magtalo

"Meron ba kayo nun?" Tanong ko sa waiter

"Meron po sir" sagot ng waiter

'Sige. Isa nun" sabi ko

Isinulat ng waiter ang order ni Hot

"Order lang kayo. Huwag kayong mahihiya" alok ko sa tatlo

Si water naman ang bumulong

"Masyadong mahal iyon" bulong ni Water sa akin

"Okay lang. Bihira lang naman ito" bulong ko kay water

Parang nag-aalinlangan si water

"Ano ka ba? Mukhang malakas pa naman silang kumain. Lalo na yung fire" mahinang sabi ni Water sa akin

"Okay nga. Gusto ko nga sya kasama kapag kumakain. Ganya kaya maganda kasama yung parang walang kabusugan hehe" natutuwang sabi ko

Para hindi na umangal pa si water

"Kung hindi maubos pwede naman itake out eh...tsaka ano bang order mo?" Tanong ko na rin kay water

Pumili sya sa menu at hindi lang iyon. Sila Dean, fire, Hot at ako rin ay pumili na

"Ilan ba tayo?" Tanong ko sa kanila

Binilang ko ito

"5" ang sabi ko

Pumili ako ng mga maka kain namin

Cold and HotWhere stories live. Discover now