Chapter 47

199 21 0
                                    

Hot Point Of View

Bumalik ito sa pagtetext at ako naman ay pumunta sa likod upang tignan kung sino ang katext nya tsaka kung ano ang tinetext nya

"Ano? na hanap mo na?" Tanong ni Cold sa akin

"Hindi pa" sagot ko

Ang totoo hindi naman ako naghahanap. Tinitignan ko kung ano ang tinetext nya tsaka kung sino ang katext nya

Ano ba yan hindi ko pa rin makita. Masyadong malayo tsaka natatakpan ng kanyang katawan

Naka limutan kong makikita pala ako sa miror yung sa harapan na maliit lang na rectangle. Para makita ang sasakyan sa likod

"Binabasa mo ba yung text messages ko?" Tanong ni Cold

"Hindi ah!!!" Deny ko

Naka tingin talaga ako sa text messages nya. Pero pagtingin ko sa kanya naka talikod ito sa akin. Feeling ko hindi sya naka tingin sa akin. Kaya deneny ko ito

"Anong hindi? Kitang-kita binabasa mo tsaka naka tingin at sumisilip ka sa cellphone ko" sita ni Cold

"Paano mo naman na sabi? May evidence ka? Kung maghinala tsaka maka pagparatang ka sa akin ah" sabi ko

"Hindi kita pinaparatangan tsaka totoo naman naka tingin ka sa cellphone ko. Mukhang binabasa mo yung messages ko habang hindi ako naka tingin at kitang-kita ka sa miror" sabay turo ni Cold sa miror

Pagkaturo nya ay agad akong tumingin sa tinuturo nyang miror at pagtingin ko ay nakita ko na naka tingin sya. Agad naman akong nagpalusot

"Napa tingin lang. Nagbabasa na agad" palusot ko

"Talaga lang huh?" Hindi naniniwalang sabi ni Cold

Para hindi mahalata nag galit-galitan ako tsaka para hindi nya ako hingian rin ng lollipop dahil wala naman akong ibibigay sa kanya

"Kung ayaw mong maniwala eh...di huwag tsaka hindi ko na hahanapin. Hayaan ko na lang na langgamin ang car mo. Tutal mukha ka naman langgam. I'm sure hindi ka nila kakagatin" sabay labas ng kotse

Lumabas ako ng kotse pero pumasok din ako sa loob. Sa tabi ng driver seat para hintayin sya tsaka hindi pa ako sumusuko

"Oh! Akala ko mauuna ka ng pumasok sa mall?" Pagtatakang sabi ni Cold

"Hindi ah! Tsaka wala akong sinabing mauuna na akong pumasok sa Mall" pagpaiinfo. Ko sa kanya

Pinilit ko ang sarili ko

"Aantayin na kita" pagpupumilit ma sabi ko

Bumalik sya sa pagtetext. Ako naman naghihintay pero hindi pa nagtatagal ay naiinip na ako

"Matagal pa ba yan?" Naiinip na tanong ko

"Hindi ka pa nga nagtatagal sa pagkaka upo naiinip ka na" pansin na sabi ni Cold

Naka tingin lang ako sa kanya sya naman salita ng salita

"Kanina pa kita pinapaunang pumasok sa loob ng Mall. Ayaw mo naman. Kesyo hihintayin mo ako pero reklamo ka ng reklamo. Kaysa magreklamo ka jan. Eh...di mauna ka na. Ng malibang-libang ka" naiinis na sabi ni Cold

"Bakit mo ba ako pinauuna pumasok sa loob ng Mall? Siguro dito kayo magkikita ni Frederick nuh!" Inis tsaka hinala na sabi ko

Parang tinukso ako ni Cold

Cold and HotWhere stories live. Discover now