Chapter 20

338 15 0
                                    

Hot Point Of View

Tatlong araw na ng hindi ako kinikibo ni Cold. Kahit ginigising sa umaga para pumasok sa campus ay hindi nya ako ginigising tsaka kahit pag-alok sa akin ng pagkain ay hindi nya ginagawa sa akin

"Musta na kayo ni Cold?" Tanong ni Dean

"Nagsorry ka na ba tsaka okay na ba kayong dalawa?" Tanong naman ni fire

"Ayun hindi kami nagpapansinan ng 3 days. Kung sakasakali pang 4 days na namin hindi nagpapansinan. Hindi ako tinatanong kung kumain na ako or hindi ako ginigising sa umaga kapag papasok na lagi nya ginagawa" sabi ko

Hindi maka paniwala si Dean or parang ng aasar lang sya.

"Talaga nagpapansinan kayo? Hindi ko akalain na nag-uusap pala kayo. Close na kayo" parang ng aasar na sabi ni Dean

Napa tingin tuloy ako sa kanya na naka kunot noo at salubong ang kilay. Binatukan sya ni fire

"Uhm loko" sabi ni fire habang binatukan nya

"Uy! Bakit ka ng babatok? Makikill ako sa ginagawa mo" Reklamo ni Dean

Napa ngiti ako tapos ay pinagpatuloy ko yung paglalaro ko

"Ng aasar ka pa eh..." sabi ni fire

Himas-himas ni Dean ang ulo nya habang nagpapaliwanag

"Nagtatanong lang naman. Sabi ni Hot hindi sila nagpapansinan. Ibig sabihin nag-uusap sila. Na close na sila. Ng hindi nya sinasabi sa atin" pagpapaliwanag nya

"Sira hindi sila nagpapansinan talaga. My L.Q lang" pang aasar din ni fire

"Lagi naman may L.Q yang dalawa" banat naman ni Dean

Nagpeace sign sa akin si fire at Dean kasi napa tingin ako sa kanilang dalawa

"Joke lang hehehe" parang ilang na sabi ni fire

"Peace hehehe..." naka peace sign na sabi ni Dean

Sumingit na ako sa kanilang dalawa

"Hindi ako nagsorry kasi wala akong balak magsorry dahil hindi ko kasalanan. Sya ang may kasalanan tsaka hindi kami okay at hindi kami magiging okay" sagot ko sa kanilang dalawa

Biglang sumingit ang nagbabantay ng computer cafe

"7,8,9 time's up na po" sabi ng nagbabantay ng computer shop

Narinig ko yun. Kami ang tinatawag nya. No. 7 ang computer na ginagamit ko. No. 8 ang kay fire ay ang kay Dean
no. 9 kaya agad akong nagsalita ng malakas

"Extend pa ng time" malakas na sabi ko

"Ako rin" malakas na sabi ni fire

"Extend pa ako ng time" sabi naman ni Dean

Hindi na kami tinawag pa ng nagbabantay ng computer shop. Nakita at narinig nya ang sinabi ko tsaka hindi pa kami tumatayo sa kinauupuan namin. At oo tama ang narinig nyo. Nasa Computer Cafe kami ni fire, Dean tsaka ako

"Grabe sya. Dapat maki pag-ayos ka na para hindi kayo laging nagtatalo ni Cold" suggestion ni Dean

"Oo nga" pagsang ayon ni fire

Cold and HotWhere stories live. Discover now