Chapter 18

358 17 0
                                    

Cold Point Of View

Tatlong araw ko ng hindi pinapansin si Hot. Ngayon ay nagskip muna ako sa class ko. Kasama ko si Water ngayon

"Bakit ba ang layo natin sa kanya?" Tanong ni Water sa akin

"Okay na yung ganito. Ayokong makita nya muna ako" sagot ko

Naglalakad kami mula sa malayo. Pinagmamasdan ko si Hot. Mula sa kinaroroonan namin

"Ano naman kung makita ka nya? Hindi mo naman sya kakausapin" iritang sabi ni Water

"Basta mas okay na ito" nakukulitang sabi ko

Ganito ang ginagawa ko mula ng makita ko si Hot last year. Hindi ko pa sya nakikilala ng husto pero alam ko ang name nya at kung anong department sya. Lalo na pagbreaktime. Naglalakad ako mula sa malayo habang sinusundan sya kung saan sya magpunta. Sa park. Playground or sa cafeteria at sa library. Kahit ako lang ang mag-isa

"May kasama sya oh! Dalawang football player" puna ni water

"Oo bestfriend nya" habang naglalakad

Tinignan maigi ni Water

"Ah! Kaya pala namumukhaan ko" habang naglalakad

"Yung isang kasama nya na mukhang madaldal ay leader ng soccer at ang isa na mukhang maamo ang mukha ay rookie ng soccer at si Hot ay captain ng soccer"

Tumango-tango lang si Water sa pag-oo na lang nya. Napa hinto ako sa paglalakad. Tumayo ako sa likod ng puno at napa hinto rin si Water

"Infairness gwapo silang tatlo" sa pagkakatitig ni Water

Hindi ako sumagot dahil nawiwili ako sa pagtingin kay Hot. Si Water naman ay tuloy lang sa pagsasalita

"Kaya pala crush mo ang isa sa kanila dahil gwapo at captain ng soccer" pagsasalita ni Water

Tuloy lang sya sa pagsasalita kahit wala na ako maintindihan sa mga sinasabi nya

"Magaganda ang katawan nila. Hubog sa pag-eexercise, push up at sit up. I mean sa pagpractise ng soccer" sabi ni Hot

Wala na akong maintindihan kay Water. Naka focus na ako kay Hot.

"Ang layo natin dalawa. Parang kang buwan na hindi ko maabot" sabi ko sa sarili ko

Wala akong ibang nakikita. Si Hot lang. Hindi ko na nga marinig ang boses ni Water or ng kahit na anong sagabal sa aking pangdinig. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang boses ni Hot mula sa malayo tsaka huni ng ibon at pagaspas ng puno. Isama pa ang malakas ng ihip ng hangin na dumadampi sa mukha at tenga ko.

"Parang ang hirap mo abutin"

Hindi ko napapansin na kung ano-ano ang mga sinasabi ko

"Or parang kang langit at ako ang lupa"

Tuloy lang ako sa pagsasalita

"Oo kasama nga kita sa kuwarto pero may isang makapal tsaka mataas na pader na pumapagitna sa ating dalawa. Yung mahirap akyatin or mahirap tibagin"

Napa buntong hininga na lang ako

"Haiiissst"

Tinignan ko ulit sya tsaka pinagmasdan

"Kailan kaya tayo magiging okay? Kailan kaya tayo magiging close?" Tanong ko sa sarili ko

Napa buntong hininga na lang ulit ako

Cold and HotWhere stories live. Discover now