Chapter 47.... Problem Solve

26 1 0
                                    

\m/ Daniel POV \m/

Dumating ang airplane namin sa Pilipinas exactly 4am. Kaagad namang dumating ang ambulance. Isinakay namin sa ambulance si Lolo Anton. Dinala ito sa isang sikat na hospital sa Maynila. Pagpasok sa private room. Kaagad ko kinausap ang doctor at inalam ang kondisyon nito. Stable naman daw si Lolo Anton.

"Pa... punta lang ako sa school. May aayusin lang ako importante." Paalam ko

"Sige lang anak. Bumalik ka kaagad. Hahanapin ka ng Lolo mo pagnagising yun." Bilin nito

Tumango lang naman ako dito.

Pagdating ko sa Del Pierro Campus. Sunday nun at walang tao sa school. Mabuti na lang para makapagcheck ako. Una kung pinuntahan ang faculty. Kung san sinabing kinuha ni Kath ang test paper. Iginala ko ang paningin sa paligid. Hindi kita sa CCTV ng school ang mismong faculty. Naalala ko ang CCTV na si Kuya Brent lang ang nakapag-access.

Calling Brent...

"Oh! Bakit na naman?" masungit na tanong nito

"I need your help Kuya Brent." Sabi ko dito

"DJ wala ng libre sa mundo. OK!" sarcastic na sabi nito "Well sa ngayon hindi ko pa alam ano need ko sayo? Pero malay natin one of this day. Hingin ko din ang tulong mo. So ready yourself man." Mahabang sabi nito

"No problem Kuya." Sabi ko

"Ano ba yun?" tanong niya

"Need ko lang maaccess yung CCTV room mo. Kailangan malaman ko sino nagpapahirap sa babaeng mahal ko." Sabi ko dito

"Diba sabi ko sayo bawal mo puntahan ang room na yun!?" Inis na singhal ni Kuya Brent sakin sa phone.

"Hindi ko naman sasabihin kay Ate Raine na..." sagot ko dito

"You owe me big time for this. Ok fine! Sabi na eh... Hindi ka uupo lang sa isang tabi." Serious na sabi ni Brent at binaba na nito ang phone call.

Sorry Kuya Brent. Wala naman talaga ako balak sabihin sayo. Kaya lang wala na akong choice. Kung sino ka man? Magtago ka na sa pinangalingan mo. Kahit sang impeyerno ka pa magtago. Naikuyum ko ang kamao dahil sa galit. Hindi ko maatim na may manakit sa babaeng minamahal ko.

Pagdating ko sa CCTV room ni Kuya Brent. Hinanap ko ang controller at pinagtiyagaan ko irewind lahat ng video sa locker room at faculty room. Hanggang dumating ako sa date. Kung kelan nangyari ang incident na framed si Kath.

Eric... Humanda ka sakin. Kulang pa ata bugbog na nakuha mo? I called Seth.

"Bro.... Help me to fine that Eric the Asshole." Galit na sabi ko

"Don't worry. Ako na bahala." Sabi ni Seth

Abandon Building

Makalipas ang 4 na oras. Dinala nila Seth si Eric sa rooftop ng Abandon Building.

"Gumaganti ka sakin! Kaya idinamay mo ang Girlfriend ko." Bugbog sarado ito

Putok ang labi. Puro black eye at dumudugo kilay nito.

"Uuletin ko? Sino ang nagutos sayo?" hindi ito nagsasalita

"Bro, Lester! Ano nga name ng family Business nila?" tanong ko

Habang may hinahanap akong number sa phone.

"Rinx or Jinx Construction ata yun." Natatawang sabi ni Lester

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY ULTIMATE SAVIOR (KathNiel♡Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon