Chapter 4: The Deal

3.6K 73 31
                                    

Sinipag akong magsulat, kaya naman heto may Chapter 4 na ko kaagad. Puro Parking 5 ang nilalaman ng Chapter na ito guys. Sana magustuhan ninyo.

Thanks Much

VOTE, COMMENT and BE A FAN

If nagustuhan ninyo! @_____@

=================================================

CHAPTER FOUR

\m/ Daniel POV \m/

Walang humpay na tawanan ang narinig kong nagmumula sa katapat na room. Na siyang naging daan upang magising ako! Tumingin ako sa orasan na nasa side table at 10am pa lang. Badtrip!? Late na nga ako nakatulog. Ang aga-aga pa, may nang bulabog na agad. Napatakip pa ako ng unan sa tenga at sinimulang matulog muli. Pero sadyang mas lalong umiingay sa kabilang room.

Wala akong nagawa kong hindi ang bumangon, at tingnan kung anong meron sa Musical Room. Nung nasa tapat na ako ng pinto, narinig ko ang malakas na tawanan ng Tropa. Ano naman kaya ang kalokohang ginagawa ng mga ito? Binuksan ko ang pinto, at nakita ko si Lester na nakaluhod kay Seth. Habang kumakanta ng Ipagpatawad mo. Masama ang tinging ibinigay ko kay JC. Talaga nga namang sinabi nito sa barkada, at malamang alam na rin ito ni Ermats!

"Jose Carlito!" inis na inis na tawag ko sa buong pangalan nito.

"Naku po... Tinawag na 'ko sa buo kung pangalan. Escapo na ako mga Dude... Maiwan ko na kayo!" Tumakbo ito papunta sa pinto. Ngunit agad ko itong nahabol, at nagawa ko 'tong abutan.

"Akala mo makakatakas ka sa akin? Huh!" Agad ko itong inakbayan at tumalon ako na tila ni-wrestling ito.

Agad na lumapit sina Katsumi, Lester at Seth sa amin upang awatin kami.

"Mga siraulo talaga kayo ah!" Agad kong inalis ang pagkakaakbay ko kay JC, at nakita kung natawa lang ito sa ginawa ko. Mukhang hindi man lamang ito nasaktan.

"Ako pa talaga ang napag-tripan ninyo!? Higit sa lahat istorbo kayo sa mahimbing kung tulog." Nakasimangot na sabi ko sa Tropa.

"Sorry naman, nakakatawa kasi ang kwento ni JC." Wika ni Seth

"Gagayahin nyo na nga lang, mali-mali pa. Ikaw, Seth para kang naiihing bakla sa pang-gagaya mo kay Kath!" Baling ko kay Seth, na ikinatawa ng buong tropa. Napakamot na lamang ito sa sariling ulo.

"Uy! Pre talagang alam mo na ang name niya! Huh!" Tukso sa 'kin ni Katsumi

"Hindi ko alam mga Dude!? Nagalit ko yata siya kagabi eh!" malungkot na sabi ko sa tropa

"Wow! Pre, L.Q agad!" sabay na wika ni Seth at Lester... Nag-apir pa ang mga loko!

"Siguro iyon ang dahilan kaya napuyat ka ano?" paguusisa ni Les

"Paano mo naman nasabi yan?" tanong ko kay Lester

"Ayan oh! Nangangalumata ka. Lalong lumaki eyebags mo Pre." Paliwanag nito

"Ok lang yan... Gwapo pa rin naman... Asset ko kaya yan." Nakasmirk na sabi ko dito

"Pero DJ maiba ako ng usapan... Hindi kami makapaniwala ng sabihin sa 'min ni JC. Na lumuhod ka sa harap ng isang babae Pareng DJ." Serious na wika naman ni Katsumi.

"In the history of our friendship men, ngayon lang nangyari ito." Wika naman ni Seth

"Tumigil ka nga jan Seth. Pa English-english ka pa! Nose bleed Pre!" Nakahawak sa ilong sa wika ni Lester.

MY ULTIMATE SAVIOR (KathNiel♡Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon