CHAPTER 31....Pinagmukhang TANGA!

1.2K 30 0
                                    

 

                                                CHAPTER THIRTY-ONE

 

 

\m/ DANIEL POV \m/

Maayos na natapos ang pag-uusap namin ni Liz. Habang nag-lalakad ako pabalik sa kinaroroonan ni Kath. Nakasalubong ko sa pathway si Tita Min.

“Oh, Daniel… Ba’t ang tagal mo? Umalis na si Kath.”

 

“Hoooohhhh----“

Nagulat naman ako sa sinabi nito. Paanong umalis? Hindi kaagad yun nag-sink in sa utak ko.

“ Masama daw pakiramdam niya. Ewan ko sa batang yun? Di pa tapos ang party! Umalis na… Ang sabi ko nga intayin ka niya. Ayaw naman mag-pahatid sa driver. Kaya nya naman daw mag-taxi. May nangyari ba? Sinundan ka niya kanina? Nag-away ba kayo?” mahabang paliwanag nito

“Hooooohhh, di po… Di pa nga kami nag-kikita ulet. Pupuntahan ko pa lang siya.”

“Hijo, nakaalis na sya. Pero habulin mo na lang. Baka maabutan mo pa. Kung may di pagkakaunawaan, pagusapan. Di yung nag-wawalk out na lang basta. Mga kabataan talaga.”iiling-iling na sabi ni Tita Min

Sa totoo lang, wala naman kaming pinagawayan. Kaagad na iniwan ko na si Tita Min. Tumakbo na ako papunta sa labas ng Manila Pen.

 Naglakad ako ng naglakad. Tingin dito, tingin don. Hanap dito, hanap don.

Ngunit sadyang magaling talagang magtago si Kath. Aiizzzzttttt! Ano ba pumasok sa utak ng babaeng yun? Idinial ko ang phone nito. Ring lang iyon ng ring. Walang sumasagot.

“Kath, Please answer the phone..” Wala talagang sumasagot

Tinext ko din ito, ngunit walang reply. Almost five minutes, na akong naglalakad hindi ko pa rin ito makita. Di kaya nakasakay na ng taxi yun. Paano kong holdaper yun? Paano kung masamang tao? Paano kong kidnaper? Eh…. Pano kung rapist? DAMN!!!! Wala naman sanang masamang mangyari kay Kath.

“Napaparanoid ka lang DJ. Kath is safe.” Pagbibigay assurance ko sa sarili

Tinawagan ko ule ito kaso. Ganon pa din. Walang sagot.

Pumunta na lang ako sa parking lot. Pinag-commute ko na pauwi yung kasama naming driver. Saka ko kinuha yung kotse at pinaharurut. Lulan ng kotse inikot ko ang buong Manila Pen. Kaso wala akong nakitang Kathryn. Isang motorcycle ang nakasalubong ko. Na hindi ko na binigyan ng pansin.

Kath, asan ka na ba? Sagutin mo naman ang phone mo. Please! Mahigit one hour na akong nagpaikot-ikot. Kulang na lang sabayan ko ng kanta ni Sarah G. Putek Yan!  Nagtanong na din ako sa sakayan ng taxi. Kung may naging pasahero silang babae. Nagawa ko pang i-describe sa kanila si Kath. Kaso isang “WALA” lang ang sagot nila sa’kin. San na ba nagsuot ang babaeng yun?

MY ULTIMATE SAVIOR (KathNiel♡Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon