CHAPTER 38....Status: In a Relationship

1.2K 33 7
                                    

                                         

                                             CHAPTER THIRTY-EIGHT

 

 

\m/ DANIEL POV \m/

“Mag-eavesdropping ka na lang. Hindi mo pa pinakinggan lahat.” Inis na sabi ko kay Kath

Di ko tuloy napigilan ang sarili ko na bigyan ito ng katok sa noo. Yun lang pala ang dahilan, kung bakit niya ako iniiwasan nitong nakaraang linggo. Ang akala ko kaya niya ako iniiwasan. Dahil mas masaya na siyang kasama si Epal.

Naalala ko tuloy ang huling pinag-usapan namin ni Liz, nung huli kaming magkita.

FLASHBACKS

 

“Jasper, pwede ba kitang makausap. Kahit 5 minutes lang…. Please!” punong-puno ng pagsusumamo ang mata nito

“Okay… Five Minutes lang… Baka hanapin ako ni Kath.”

Naglakad ito palabas ng hall. Sinundan ko naman siya. Hanggang sa makarating kami sa isang Terrace don. Kung san walang tao.

“Liz, you’re five minutes starts now.” Sabi ko saka ako matamang nakinig dito.

“I am sorry for what I’ve done in the past. Sa totoo lang habang buhay ko yung pagsisisihan.” Panimula nito at saka ito bumuntong hininga.

I never interrupt her. Hinayaan ko lamang itong magsalita. Sadyang pinakinggan ko lang ang kanyang sinasabi.

“Jazz, pinuntahan kita noon?” sabi nito bahagya pa itong huminto sa pagsasalita.“Ngunit wala ka na. Nag-punta ka na ng states. Gusto kitang habulin sa airport. Ngunit alam ko na wala na akong aabutan. Wala akong nagawa kundi ang umiyak sa loob ng kotse. Wala akong nagawa kundi ang magsisi.Kasi……kasi…..pinakawalan ko yung lalaking. Magpahanggang ngayon minamahal ko pa rin.” sabi nito at hindi niya napigilan ang luha niya. Gusto kong palisin ang luha niya. Kaso merong pumipigil sa’kin. Ayaw na ayaw ko pa naman, na merong babae na umiiyak sa harap ko.

“Ang kaso lang may minamahal ka nang iba. Huli na ako, dahil di ko na maitatama ang pagkakamali na ginawa ko. Sa tuwing kasama mo sya. Gusto kong sabihin na sana ako na lang muli. Akin ka na lang uli. Ako na lang uli ang mahalin mo. Pero anong karapatan ko diba! Isang bahagi na lamang ako ng nakaraan mo. Tadhana na ang nag-decide na paghiwalayin tayo. Sorry kong naging makitid ang utak ko back then. I am sorry kung hindi kita pinaniwalaan. I am sorry, Jazz” mahabang sabi nito, habang nakatingin sa mga mata ko.

Napatiimbagang ako sa sinabi nito. Pero sana sinubukan niya. Ang kaso hindi eh!

“NO….” malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.”Hindi tadhana ang nagdecide, upang pag-hiwalayin tayo. Siguro may one last chance siyang ibinigay. Ang kaso lang hindi nagawang subukang i-grab yun. Nong araw na pumunta kami ng states. Na delayed ang flight namin non. Nang mahigit 2 hours. Siguro kung sinubukan mo akong habulin. Siguro nagawa mo rin akong abutan. Ang kaso wala kang ginawa.” Malungkot na sabi ko dito. Habang umililing-iling pa.

MY ULTIMATE SAVIOR (KathNiel♡Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon