Chapter 5.3 : HHE vs P5[Mysterious Caller]

2.7K 61 11
                                    

I dedicate this chapter @WattyPRINCESS03, thanks gurl sa messages na ibinigay mo about my story. ^___^



Votes, Comments and be a Fan...Thank You ^__^



ENJOY READNG^__^

================================================





CHAPTER FIVE

(part 3)



\m/ Daniel POV \m/

Habang na sa free throw line si Sky. Nakatayo naman ako sa may side at, nag-iintay na matapos ang free throw shoots nito. Hindi sinasadyang napatingin ako sa audience. Kung saan nakita kung pansamantalang nakatayo si Kathryn! Lumabas na siya kaagad sa Clinic!? Bilis naman! Ok na kaya siya?

Mabuti na lang half-time break kanina, at nag-kataong gusto kung pumunta sa Men's Room. Mabuti at don ako dinala sa lugar na yun ng mga paa ko. Kung di maaaring kung ano na ang nangyari dito!

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-alala sa kanya. Hindi ko alam kung bakit? Kanina kahit na sa game ako, hindi maalis-alis sa isip ko ang nangyari dito!

Naputol ang pag-iisip ko ng mapansin ko na tumingin din ito sa akin. Siguro naramdaman niya na may mga matang nakatingin sa kanya. Kaya yun nagkatinginan kaming dalawa! Nginitian ko siya, ngunit nakita kung sumimangot ito at mabilis na nag-lakad patungo sa upuan nila.

Hanggang ngayon ba, galit pa rin siya sa akin? Napakamot na lamang ako sa ulo ko. Naputol ang mga gumugulo sa isipan ko ng sumablay ang huling free throw shot ni Sky.

Mabilis akong tumalon ng mataas! Nakipag-agawan sa 'kin si Kuya Brent! Ngunit nag-tagumpay ako na mapasaakin ang bola. This is called rebound. Nag-dribble ako papunta sa court namin. Nag-hanap ako ng maaring pasahan! Sumenyas ako kay Les!

Then, ipinasa ko ang bola sa kanya. Nag-dribble ito at pumunta malapit sa Ring. Samantalang may dalawang humarang sa kanya. Pinigilan siya ng mga ito upang di niya magawang i-shoot ang bola! Pero sinubukan pa din niya, ngunit natapal ito ni Kuya Brent. Lester missed his shoot.

Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si Kuya Brent.

"The idea is not to block every shot. The idea is to make your opponent believe you may block every shot. Nabasa ko lamang yan sa twitter!" sabay tapik nito sa balikat ko.

Napailing na lamang ako. Iyon ang sinasabing simpleng TRASH TALK!

Bola ng HHE

Kaagad na nakuha ni Sky ang bola, ng matapal iyon ni Kuya Brent. Tumingin siya sa kabilang court nakita niyang malapit sa kabilang court ang kakampi nilang si Ivan. He do a pass break, kaagad namang nahabol ni Ivan ang bola. Dahil walang bantay don agad tumalon ito at inilay-up ang bola sa Ring. Hindi na namin nagawang mahabol ito. Score 88-97 lamang ng 9 points ang kalaban!

Tumingin ako sa orasan may 8 minutes pang nalalabi. Delikado na ang lagay ng team ko. Ngunit di kami maaaring sumuko ng hindi lumalaban! This game is between death and survival. We need to win. I only need to do, is just focus with the game.

Sumenyas si Jc na ipapasa niya ang bola sa akin. Kaya naman mabilis na tumakbo ako upang kunin ang bola. I know what they think. They think it's imposible for us to win this game. Sapagkat sa laki ng lamang ng kabilang team, malabong manalo pa kami.Pero ipapakita ko sa kanila na bilog ang bola. Hindi nasusukat sa ikli ng oras kung sino ang panalo sa larong ito. Milagro mang matatawag para sa iba. Ipapakita ko sa kanila ang milagrong hinahanap nila. That's the spirit DJ, sabi ko sa sarili. I have full of confident.

MY ULTIMATE SAVIOR (KathNiel♡Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon