CHAPTER 23... Miles and Lester

1.5K 40 1
                                    

 VOTE AND COMMENT PO SALAMAT :D

*****

                                           CHAPTER TWENTY-THREE

KINABUKASAN (@ Del Pierro University)

\m/ KATH POV \m/

Andito ako ngayon sa sanctuary ko. Nakapangalumbaba. Nagiisip. Nakahawak sa skechpad. Naghahanap ng magandang design. Ngunit hindi gumagana ang utak ko. Malapit na ang birthday ni Julia. At nangako ako dito na ako ang gagawa ng gown niya. Bilang regalo. Hay! Jusko! Kahapon pa ko ganito. Halos hindi ako nakatulog sa kakaisip.

“Knock….knock….” narinig kong boses mula sa labas ng pinto ng terrace

Gusto ko sanang sumagot ng who’s there. Kaso sa boses pa lang alam ko na kung sino sila. Kaya naman agad-agad ay itinago ko ang sketchpad na hawak ko. Ayaw ko masira ang surprise ko kay Julia. Tapos kaagad na binuksan ko ang pinto. Tumambad sa’kin ang tatlo kong kaibigan. Nakangiting pumasok ang tatlo sa loob. Sumilip pa ako sa bandang likod nila. Kasi… Baka….Alam nyo na kasama nila ang P5.

“Ahmmmm…” tikhim ni Ella

“Pasulyap-sulyap ka kunwari’y patingin-tingin kay DJ” pangaasar na kanta ni Julia

Samantalang ito namang si Miles. Talo pa ang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa pagkakakunot ng noo. Nung makapasok sila sa loob ng terrace. Walang kaabog-abog na  umupo sila sa sofa.

“Kayo huh! Ang aga-aga eh!” nakapout na sabi ko sa tatlo.

“Kath, ano ba kasi ginagawa mo dito? Nagtatago ka na naman dito sa lungga mo.” Wika ni Julia

Bukod kasi sa may kinahihiyaan akong makita. Na sa bandang huli ay hinahanap ko naman. Eh! ewan ako na ang magulo ang isip.

“Kanina ka pa kaya namin hinahanap. Sumilip pa nga kami sa library wala ka naman don. Iba tuloy ang nakita namin.” Dagdag naman ni Ella

Itong si Ella mabait naman pala. Kung nong dati inis siya sa’kin. If si DJ ang pinaguusapan. Aba ngayo’y isa na siya sa mga nanunukso sa’kin kay DJ. Sa totoo lang labis naming pinagtakhan yon nila Julia. Pero isa lang ang nasabi ni Ella. Narealize nya daw kasi na hindi talaga para sa kanya si DJ. Kaya yun sinusubukan na niyang kalimutan ito at mag move on.

“Ano naman yun?” nagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa tatlo.

Nakita kong pinandilatan ni Miles ng mata sina Ella at Julia. Dahil don nacurious tuloy ako. Ang kulet ko pa naman lalo na’t may gusto akong malaman.

“Eh….Kasi…” putol-putol na sabi ni Ella

“Eh….Kasi…Ano?” ulet ko naman sa sinabi nito

“Ganito kasi yun! Nakita namin sina Lester at Louise na magkasama at masayang naguusap. Ang nakakapagtaka pa don. Nakaakbay si Lester kay Louise. Bukod sa masayang-masaya sila. Binati pa ako at si Ella ni Lester. Ngunit si Miles parang stranger na ngayon nya lang nakita. Ayon!” mahabang paliwanag ni Julia

“Juls, naman eh! Wala akong pakialam ano? Care ko ba sa kanya. So what!? Kung hindi niya ako pansinin. Duh! As if I care.” Inis na sabi ni Miles

“Miles, remember on what happened last Valentines Ball. Palagay mo ba papansinin ka non. Afterall what you did. Syempre napahiya kaya yung tao sa buong University.” Paalala ni Ella sa mga nangyari ng gabing yun.

MY ULTIMATE SAVIOR (KathNiel♡Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon