CHAPTER 33....Ella and Francis Lovestory

1.1K 30 0
                                    

 

                                        CHAPTER THIRTY-THREE

\m/ ELLA POV \m/

                                           

“Nagsimula ang lahat nong Valentines Party. Kung saan isang timbang lakas ng loob ang nilaklak ko. Upang magtapat sa lalaking sobrang minahal ko. Sa palagay ko naman alam nyo na kung sino ang tinutukoy ko?" Nakangiting sabi ko sa tatlo. Kasalukuyang nagbababad kami sa Pool. Umupo na lang kami sa gilid ng pool. Habang nakababad ang aming paa sa tubig."Ngunit nong araw na yun. May narealize ako. Yun ay ang maging masaya. Para kay DJ.” At nakangiting makahulugang tumingin ako kay Kath.

“Daniel offered me only a friendship. Kasi meron na daw siyang minamahal na iba. Nasaktan ako ng sobra. Pero anong magagawa ko. Diba! Masaya ako para kay DJ at tinanggap ko sa sarili ko na. Hindi ako ang babaeng kaya niyang mahalin. Hindi naman talaga lahat ng bagay na gusto natin mapapasaatin.” Saka ako nakangiting ngumiti sa tatlo na, noon ay tahimik lang at mga walang reaction. Lalo na itong si Kathryn.

“Pero nang gabing yun. Tinulungan ako ni DJ na mahanap, ang lalaking matagal ng nagmamahal sa’kin.” Nakangiting sabi ko

“Paano?” tanong ni Kath

“Dj told me. Na hanap ako ng hanap ng bagay na wala ako. Di ko na nagagawang pansinin ang bagay na meron ako at nasa harapan ko.” explain ko sa kanila

“Bagay? You mean Daniel referring to Francis? Pano naman nalaman ni DJ yun?” di napigilang tanong ni Julia

“Ang dami mo namang follow up question Juls… Ikaw na kaya mag-kwento.” Medyu asar na sabi ko

“Okay…okay… Di na ako magtatanong.” Sabi nito with matching sealed on her lips pa.

"Ang sabi ni DJ, habulin ko si Francis. Hindi ko din namalayan na andon sya. Sinunod ko si DJ. Ang goal ko lang non ay ang makalayo dito. Upang kahit pano? Maibsan ang sakit na nararamdaman ko."

FLASHBACK an Ella and Francis Scene

Paglabas ko ng backstages. Agad na sumalubong naman sa'kin si Julia. Dahil don hindi agad ako nakalapit kay Francis. Walang expression ang mukha na pilit lang itong ngumiti sa harap ng mga kaibigan ko. Nagawa ko pang makipagayos kina Miles at lalo na kay Kath. Muntik pa kaming mataaway. Ngunit nong.... Matapos ang Confession ni Elmo. Nakita kong naglakad palabas ng Hall si Francis. Sinundan ko ito at tinawag.

“Bestfriend…..” tawag ko kay Francis, ngunit ang pinagtataka ko hindi niya ako nilingon.

“Bestfriend…..” tawag ko muli dito at don lang siya huminto

Huminto lang siya sa paglalakad. Ngunit hindi siya lumingon sa’kin. Nung makalapit ako dito. Pinilit ko ang ngumiti. Kahit na alam ko fake yun.

“You don’t need to show me you’re fake smile.” Serious na sabi nito “I know that you’re really hurting inside. Hindi mo kailangang magpanggap sa harap ko. You’re not a better actress. Ella….” Nakakunot ang noo na sabi ko.

Bakit ganon tila may bahid ng galit ang bawat salitang sabihin nito!?

“Kung gusto mong umiyak. Umiyak ka! Hindi kita pipigilan. Afterall ako lang ito… Ang BESTFRIEND mo.” Pagdidiin niya sa salitang bestfriend.

MY ULTIMATE SAVIOR (KathNiel♡Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon