Kabanata 24

496 21 7
                                    

Kabanata 24


Fall Apart





It’s Sunday today. And it’s our fifth anniversary. I decided to surprise Rafael since last year he was the one who surprised me. Sana ngayon year ay hindi niya ako isusurprise kung gawin niya man edi okay? Dalawa kami!



So I prepared a lot of things. Gabi ko sya isusurprise. Tinanong ko sya kung ano gagawin niya ngayon araw ang sabi niya may gagawin ‘raw sya sa business nila kaya wala sya sa condo niya.




At doon papasok ang plano ko. Meron akong susi ng kanyang condo. Magluluto ang ng favorite niyang sinigang at ibang putahe na alam ko. A simple dinner date just him and me.



Bago ko gawin iyon lahat ay pumunta muna ako sa Mall para bilhin ang mga kakailanganin kong gamit para sa pag luto.




Syempre bibili ‘rin ako ng gift para kay Rafael. Yung sweldo ko galing sa café ay sinave ko para makabili ako ng regalo sakanya.



Wearing a green simple dress and green flat shoes with my sling bad color yellow. Tinkerbell ka, ghorl?!



Hindi ko na naabutan si Rebecca. Maaga umalis hindi man lang nag paalam saakin well sabagay, hindi naman talaga sya nag papaalam. Natatakot nga ako baka may mangyaring masama sakanya.



Bago pa naman ako makalabas nakaramdam ako ng sakit sya tyan at dali dali akong tumakbo sa CR para sumuka.



Tangina, baka yung puto na binigay saakin ni Danice iyon! Kahit masama ang pakiramdam ko pinilit ko parin pumunta ng mall.



As usual maraming tao sa mall since Sunday, fam day. Namiss ko tuloy si Mama ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Ayos lang ba sya? Umuwi naba si Papa?





Dibale bibisitahin ko nalang sya bukas.




Pumunta na ako sa grocery area at kinuha ang mga sangkkap na kailangan ko. Pagkatapos ay binaggage ko muna ito dahil may bibilhin pa ako.





“I’ll have this one.” I said as I pointed to a very cute cake.





It’s a color red cake and on the middle of it has a small heart. It’s perfect! I purchased it.





Masaya akong lumabas sa cake shop at may naka agaw ng atensyon ko. Isang watch shop. Pumasok ako doon at may nakita agad ako. Nakaagaw ng atensyon ko.





It’s a watch. Simple lang sya hindi sya katulad ng mga ibang relo na nakikita ko. Round siya at sa loob ng watch ay isang pound sign. Perfect para sakanya dahil mag aabugado sya.





“How much is this?” I asked the sale lady.





“It’s only 14, 999.00 pesos, Maam.”  She said and I gulped.





Wow, medyo nafeel ko ang pagkabutas ng bulsa ko.






Go na, Shane para kay Rafael!





“I’ll take it.” Pikit mata kong sabi.






Kahit wala na akong pera ay masaya parin ako lumabas sa shop dala dala ang shopping bag na laman ang relo. At sa kabila naman ang cake.






[Hello, Baby!] masayang bati ko kay Rafael dahil tumawag sya.





[Hey, baby…umm I might be late for our dinner date. Just text me where is the venue.] medyo off ang tono niya ngayon. May nangyari ba?




Baka Sakali // CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora