Kabanata 17

554 23 4
                                    

Kabanata 17


Stars




“I’m sorry, Shane. I’m not a perfect boyfriend lagi nalang ako nagkakamali. Paulit ulit nalang ako nagkakamali pero lagi mo ako tinatanggap.” Mahina niyang sabi.




“Hindi ko naman kasi kailangan na perfect na boyfriend, Rafael…Lahat naman tayo nagkakamali, siguro nga sabi nila isa akong dakilang marupok pero kung ang pagiging marupok ba ay kapalit ng kaligayahan ko, I’m willing to do that.” I said to him.





“I won’t promise again. I just have to do it. I’m sorry, baby. I will do my best to make our relationship work.” He said and hugged me tightly.






Natapos ang gabi iyon umuwi na sya at ako naman ay natulog na. Bukas ay Prom Night namin kaya wala kaming klase sa umaga dahil gabi ay Prom Night namin. Mabuti nalang ay maraming gown sponsor si Rebecca sa mga previous pageant niya kaya nakahiram ako.




Maaga pa naman kaya hindi muna ako nag ready. Nag aalala na nga ako kay Danice kung ano na ba ang nangyayari sakanya. Ayos lang ba sya? Pupunta ba sya mamayang gabi?





I spend my remaining time to browse my twitter at wala naman ako nakikitang post ni Danice siguro gusto muna mapag isa nag leave message ako sakanya sakaling makita niya.





@shan_mp3: Danice, lagi mong tatandaan na nandito lang ako ah? Hindi kita iiwan, hindi ka namin iiwan ni Desiree. Nandito lagi kami kahit anong mangyari :>





Pang palakas ng loob ko sakanya. And we afternoon came, napayag ko naman si Rebecca mag make up saakin! My ghad! Kulang nalang mag luha ako dugo para imake up niya ako! Arte kasi!





Ang buhok ko ay katulad kay Belle tapos ang gown ko ay kulay pula. It’s a sweat heart balloon gown and the glitters were well designed for the gown. Maganda ‘rin ang details niya kaya eto ang pinili ko dahil favorite ko ang red lakas kasi maka agaw ng atensyon.





Nag lagay din ako ng black chocker at iba iba pang klaseng neck lace sa leeg ko. At ilang diamond earrings from divisoria po. Tapos yung black high heels ko naman ay hiram ko kay Rebecca, buti nga nagpahiram ‘to kung hindi, hindi talaga ako pupunta sa Prom.





Tapos sa hair ko naman ay may mga iba’t ibang crystal pins galing sa divisoria ‘rin mura lang at budget friendly! One day ko lang naman gagamitin kaya okay na ‘rin. Yung black purse ko ay regalo saakin ni Danice nung birthday ko ginamit ko na ‘rin.





And my make up is done! Ang ganda nga! Parang ibang tao ako! Feel ko maganda ako tonight! Tonight lang!






“Ang ganda mo anak…” komento ni Mama habang nakatingin saakin.





“Mana sayo, Ma.” Natatawa kong sabi.





“Hay, naalala ko panahon saamin walang ganyan, tinanggal ng sisters ewan ko ba.” Kwento niya naman. “Oh! Sya sabi saakin ni Rafael ihahatid ka niya ‘rito kaya walang problema. Mag ingat ka doon at mag enjoy!” bilin niya saakin at tumango ako.





Sumakay na ako sa taxi! Buti nga may ipon ako para sa taxi at tska malapit lang naman ang Harwell saamin. Sa Gymnasium kasi gaganapin ang Prom Night pero kahit doon lang maeeffort sila kala mo nasa hotel talaga!





Habang nasa loob ng taxi nag selfie ako at ina-IG story ito.





@shan_mp3: Cinderella, who?




Baka Sakali // CompletedWhere stories live. Discover now